Ang ilog ay puno ng buwaya. Sa kabilang pampang ay may nakatirang isang dalaga na ang pangalan ay Maria. Siya ay may nobyo sa kabilang panig ng ilog- si Juan.
Magandang lalaki si Juan. Silang dalawa ni Maria ay nagmamahalan. Dahil sa malayo ang tulay, mga sampung (10) kilometro, sila ay nagkikita ng isang beses lang sa isang buwan. Isang araw, gustong- gusto ni Maria na makita si Juan dahil may importante siyang sasabihin sa nobyo. Pumunta si Maria kay Pedro na nagmamay- ari ng isang banka, at siya lang ang may banka sa lugar na iyon. Nagsabi ang dalaga na magpapahatid sa kabilang panig ng ilog. Subalit ang sabi ni Pedro, papayag lamang siya kung matutulog si Maria sa bahay niya sa gabing iyon.
Dahil sa parang ayaw madungisan ni Maria ang pagmamahalan nila ni Juan, pumunta muna siya kay Alice. Nakiusap si Maria na hikayatin ni Alice si Pedro na ihatid siya sa kabilang pampang nang wala nang hinihinging kapalit. Subalit, ayaw siyang pakinggan ni Alice. Dahil sa wala nang ibang paraan para makatawid agad sa kabila, pumayag na si Maria na matulog sa bahay ni Pedro. Sa madaling salita, may nangyari sa kanilang dalawa.
Kinaumagahan ay inihatid ni Pedro si Maria sa kabilang panig ng ilog. Nang makita ng dalaga ang kanyang kasintahang si Juan ay agad niyang sinabi ang nangyari sa kanila ni Pedro. Nagawa niya lamang daw ang lahat dahil sa pagmamahal niya sa nobyo at dahil sa wala nang ibang paraan para makatawid sa ilog. Dahil dito ay hiniwalayan ni Juan si Maria, at kahit ano pang paghingi ng tawad ng dalaga ay patuloy lang itong binalewala ng binata.
Uniiyak na pumunta si Maria kay Abdul. Humingi siya ng pabor sa kaibigan na kausapin at kumbinsihin si Juan na makipagbalikan. Pinuntahan naman agad ni Abdul si Juan, at ipinaliwanag na ang lahat ay nagawa lamang ni Maria dahil mahal siya nito; at na sana ay patawarin na ni Juan ang dating kasintahan at makipagbalikan. Subalit, nagmamatigas si Juan na umayaw. Uminit ang ulo ni Abdul sa ginawa ni Juan kaya binugbog niya ang binata hanggang sa halos mamatay na ito.
Sino ang pinakamasama sa kwento? At bakit?
No comments:
Post a Comment