ManileƱo. Pilipino. Taxpayer! Mga Tula, Kwento, Kalokohan at Pagmumuni- muni ni Placido Penitente
Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus
Saturday, August 20, 2011
SA TRELLIS isinulat ni Romulo P. Baquiran , Jr.
Sa restaurant na ito
Sa ating pag-upo sa sangkalang mesa,
Parang mumunting bituin ang mga ilaw sa paligid.
Nakikinig ako sa iyong kutsilyong dila
Habang parang sibuyas nitong ginagayat
Ang aking puso.
Umiiyak ako.
Pero paloob ang tulo ng aking luha.
At ayaw lumabas ng aking hiyaw.
Kagilagilalas: una at tanging
Pagkakamay natin ay pagpapaalam.
Hindi na kita kaibigan
At natural lamang
Hindi rin kasintahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment