- 1. ASIMILASYON- pagbabagong naganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito.
d.l.r,s,t b, o p k,g,h, m, n, ng,w, y
PAN PAM PANG
MAN MAM MANG
SIN SIM SING
SAN SAM SANG
Hal.
Pan+ dikdik pam + bayan pang + gabi
=Pandikdik =pambayan =panggabi
2. METATESIS – kapag ang salitang ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay ginitlapian ng
(-in) ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng posisyon.
Hal.
-In + lipad = linipad = nilipad
- in + yaya = yinaya = niyaya
3. PAGKAKALTAS NG PONEMA –. Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
Hal.
Takip + -an = takipan = takpan
Sara + -han= sarahan = sarhan
4. PAGLILIPAT- DIIN- may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian.
Hal.
Basa + -hin = basahin
-ka + sama+ han = kasamahan
5. MAY ANGKOP – kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.
Hal.
Wikain mo kamo
Hayaan mo hamo
Winika ko ikako
6. PAGPAPALIT NG PONEMA- kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
Hal.
D R
Ma + dapat = madapat marapat
Ma + dunong = madunong marunong
7. MAYSUDLONG o PAGDARAGDAG NG PONEMA – kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/
Hal.
Antabayanan, antayan
Muntik- muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan
No comments:
Post a Comment