Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Friday, August 19, 2011

Aralin: PANG- URI



Ang Pang- uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan o tumuturing sa pangngalan o panghalip.


Uri ng pang-uri
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
  1. Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
  2. Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
  3. Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami
Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
  1. Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.

Kaantasan ng pang-uri

Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay:
  1. Lantay-naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
  2. Pahambing-nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
  3. Pasukdol-ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.

No comments: