Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang salitang ugat), at angmorpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat.
MGA ANYO NG MORPEMA
1. Morpemang binubuo ng isang ponema
( makabuluhang tunog )
-nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng [-a]
Kinulong natin ang titik a dahil ito ay isang makabuluhang tunog o isang ponema
hal. propesora
(ibig sabihin dalawang morpema ang mabubuo.) Ang salitang propesor at ponemang a. Bakit? Dahil nung dinagdag natin ang ponemang a, ay nagbago ang kahulugan ng salitang propesor. Nakuha? Punta tayo sa pangalawang anyo.
2. Morpemang salitang - ugat ( salitang payak ) mga salitang walang panlapi
- ang salitang-ugat ay tinatawag ding malayang morpema dahil nakatatayo sila ng mag-isa kahit wala silang mga panlapi
hal. bahay
bayani
kain
ibig sabihin mayroong tig-iisang morpema ang mga nabigay na halimbawa dahil hindi na sila maaaring hatiin pa.
o punta tayo sa ikatlong anyo.
3.Morpemang panlapi
Mga PANLAPI: (Narito ang mga iba’t ibang gamit ng mga panlapi
a. -an o - han
•lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat
hal. aklat= aklatan, manok = manukan
•pook na ginaganapan ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat
hal. luto = lutuan, tahi = tahian
•gantihang kilos
hal. damay = damayan, turo = turuan
•panahon ng pagganap o maramihang pagganap
hal. ani = anihan, tanim = taniman
b. -in o –hin
•nagsasaad ng aksyon o galaw
hal. kamot = kamutin , ihaw = ihawin
•relasyong isinasaad ng salitang-ugat
hal. tiya = tiyahin , ama = amahin
c. ka-
•kasama sa pangkat
hal. lahi = kalahi, baro = kabaro
•nagsasaad ng relasyon ayon sa sinasabi ng salitang-ugat
hal. kambal = kakambal, galit = kagalit
d. ka – an, han
•nagsasaad ng pinakagitna ng salitang-ugat
hal. sama = kasamaan, sulat = kasulatan
•nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari
hal. tindi = katindihan, bagsik = kabagsikan
e. mag-
•nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang-ugat
hal. ina = mag-ina, lolo = maglolo
f. pa-an
•nagsasaad ng ganapan ng kilos
hal. aral = paaralan, limbag = palimbagan
•nagsasaad ng paligsahan ng kilos
hal. galing = pagalingan,taas = pataasan
g. pala - an
•nagsasaad ng sistema o pamamaraan
hal. bigkas = palabigkasan, tuldik = patuldikan
h. pang-/pam-/pan-
•nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang-ugat
hal. bata = pambata, sahog = pansahog
i. taga-
•nagsasaad ng gawain
hal. laba = tagalaba, masid = tagamasid
•nagsasaad ito ng doon nakatira
hal. bundok = tagabundok, Baguio = taga-Baguio
j. tag-
•nagsasabi ito ng panahon
hal. lamig = taglamig, araw = tag-araw
k. ma-
•nagsasaad ng pagkakaroon ng katangian
hal. kisig = makisig, talino = matalino
•nagsasaad ng pagkamarami
hal. tao = matao, bunga = mabunga
l. maka-
•nagsasaad ng kampi o kapanalig
hal. tao = makatao, bayan = makabayan
m. mapag-
•nangangahulugang “ may ugali “
hal. usisa = mapag-usisa, biro = mapagbiro
o. pala-
•nangangahulugang “ laging ginagawa “
hal. dasal = paladasal, tawa = palatawa
o, natapos tayo sa mga anyo ng mga morpema. Punta naman tayo sa alomorp ng morpema
MGA ALOMORP NG MORPEMA- ang katangian ng morpema na magbagong anyo dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito
ALOMORP- galing sa salitang Ingles na ALLOMORPH, na hinati sa salitang griyego na
ALLO ( kapara ) at MORPH ( yunit / anyo )
Pang-, Mang-, Sing- Pam-, Mam-, Sim- Pan-, Man-, Sin-
a,e,i,o,u
K,g,h,m,n,ng,w,y b,p d,l,r,s,t
Panggabi
Manggagawa
Singgaling Pambansa
Mambabatas
Sim Pandikdik
Mandamay
Sintalino
5 comments:
SALAMaaAAT! LAKING TULONG! :) <3
Woww..galing! salamat talaga malaking tulong ito para sa akin.
salamat nakatulong ito sa akin sa pagsusuri ng morpema ng salitang swedish
Maraming salamat po...nakatulong po ang mga impormasyong ito sa akin.
Ano po ang kaibahan ng anyo ng morpema sa uri ng morpema? Maraming salamat po.
Post a Comment