Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Friday, August 19, 2011

Aralin: PANGATNIG


PANGATNIG- ay mga kataga, salita o lipon ng mga salitya at kataga na nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita o kaya’y ng kaugnayan ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.
-          Mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunud-sunod sa pangungusap.
Mga halimbawa Ng Pangatnig: 
1. Pamukod - o pagbukod ng kaisipan. ("o", ni, man, maging at kaya) 
2. Paninsay - o magkasalungat sa kaisipan. (kahit, kung sabagay, bago, maliban, datapwat, bagaman, subalit, sukdang, habang, gayon man, samantala, bagkus) 
3. Panubali - kundisyon o di katiyakan. (kung, kung di, pag, sakali, disin, sana, kapag, saka-sakali) 
4. Pananhi - o dahilan. (dahil, gawa, paano, dangan, mangyari, kasi, sapagkat, kung kaya) 
5. Panlinaw - o nasabi na. (kung gayon, samakadwid, sa biglang sabi, alalaong baga, anupat, kaya) 
6. Panulad - (kung paano, gayun din - kung alin, iyon din - kung ano, siya rin - kung saan, doon din - kung gaano, gayun din) 
7. Panapos - o wakas. (at sa wakas, nang, upang, para kay, sa bagay na ito, sa lahat ng ito) 





No comments: