Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon.
Ang mga karaniwang pang-ukol ay:
ng
laban sa/kay
sa
hinggil sa/kay
para sa/kay
labag sa
ukol sa/kay
tungo sa
ayon sa/kay
mula sa
alinsunod sa /kay
nang may
tungkol sa/kay
Ang Pantukoy naman ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag na Article sa wikang Ingles.
Pantukoy na Tiyak (Definite Article). Ito ang pantukoy na “ang.” Gamit ito sa pagtukoy ng isang partikular o tiyak na pangngalan.
Mga halimbawa: ang aklat, ang bata, ang kalapati, ang bundok, ang dagat.
Pantukoy na Di Tiyak (Indefinite Article). Salitang “isang” ang ginagamit na indefinite article sa Taglish o Enggalog. Nag-papahiwatig ito na ang tinutukoy ay isang hindi tiyak na pangngalan.
Halimbawa: isang bulaklak, isang araw, isang babae, isang dalaga, isang hapon, isang aklat, isang paaralan.
Pantukoy na Panao (Personal Article). Maliban sa katagang “si,” ang mga panaong pantukoy na sina, kina, at nina ay nagpapahihatig na ang tinutukoy ng mga ito ay dalawa o higit pang mga tao.
.
No comments:
Post a Comment