Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Friday, August 19, 2011

Aralin: PANGHALIP



Ang Panghalip ay humahalili sa mga pangngalan upang mabawasan ang pag-uulit-ulit
Hal.
Si rosa ay maganda. 
Siya ay maganda. 
(ang panghalip na “siya” ang humahalili sa pangngalang “rosa”)


 Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao – ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.
Pinapalitang Ngalan ng Tao/Panauhan
Bilang o Kailanan
Isahan
Dalawahan
Maramihan
Taong Nagsasalita
Ako, akin, ko
kita, kata
Tayo, kami, natin, naming, atin, amin
Taong Kausap
Ikaw, ka
Kayo, inyo, ninyo
Taong Pinag-uusapan
Siya, niya, kanya
Sila, kanila, nila

2. Panghalip na Pamatlig – ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ito rin ay inihalili sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
Hal.
Mabango ang bulaklak.
Mabango ito.
Malapit sa Nagsasalita
Malapit sa Kausap
Malayo sa Nag-uusap
ito/ ire
heto
dito
iyan
hayan/ ayan
diyan
iyon
hayun/ ayun
doon

3. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.
Hal.
Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganyan - Malapit sa kausap
Ganoon/Ganyan - Malayo sa nag-uusap


Kaukulan ng Panghalip 


1. Kaukulang palagyo-  kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap. 

Halimbawa:
1. Siya ay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan. 
2. Tayo ay magtitipid upang mabili natin ang gusto nating mga laruan.
3. Sila ay mga kinatawang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Kaukulang Paari  - Ito ay nagsasaad ng pang-aangkin nag isang bagay sa loob ng pangungusap. 

Halimbawa:
1. Ang bahay nila ay malapit sa paaralang iyong papasukan.

2. Ang aking lolo ay isang sastre.

3. Kaukulang Palayon  -  ginagamit na layon ng pang-ukol (preposition) o pandiwa (verb). 
Halimbawa:

1. Ang batas na ito ay makasasama para sa madla. 
2. Ang kamalig ay inayos nila. 

1 comment:

Anonymous said...

sir kailangan ko ng isang kwento na may panghalip panaklaw na ang nilalalman ng kwento ay patungkol sa pamayanan noon at ngayon po.