Ang batayang yunit ng tunog na pinag-aaralan sa Phonology at Phonetics ay ang ponema (o phoneme). Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika. Ang Phonetics ay ang pag-aaral ng mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng wika. Samakatwid, ang ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang ginagamit sa wika, at kung paano ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na hindi bahagi ng wika. Samantala, ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng isang wika upang makalikha ito ng kahulugan. Sa madaling salita, ang Phonetics ay nakatuon sa pag-aaral ng imbentaryo ng mga tunog ng wika ng tao na nagmula sa mga pinagsama-samang set ng tunog ng lahat ng wika, at ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng set ng tunog ng isang wika o ang pagkukumpara ng mga set ng tunog ng iba’t ibang-wika.
Ponolohiya (Phonology) - Tatlong Salik sa Pagsasalita (Three factors in Speaking)
1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga (pressure created when exhaling)
2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal)
3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador (modifies the sound. The mouth and nasal passageway are considered as resonators.)
Ponolohiya ng Filipino
PONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang tunog.
Ang Filipino ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 ang patinig
"katinig means consonant and patinig means vowel"
Mga katinig:
Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M
Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T
Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S
Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, W
Pasutsot (sounds produced by exhaling) - H
Mga Patinig:
A, E, I, O, U
Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.
Halimbawa (Example):
aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy.
Halimbawang salita (Example word):
bahaw, bahay, okoy
Ponema - ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog.
0Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at
suprasegmental.
Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay
kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato.
Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono
(tune), haba (lengthening) at hinto
(Juncture).
2 Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita.
1. Haba
* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng salita:
bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
bukas = hindi sarado
2. Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng
binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3. Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
3 sa mataas.
* halimbawa ng salita:
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay
4. Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
Hindi, siya ang kababata ko.
Hindi siya ang kababata ko.