"Ang tatanda na natin eh, tapos ganyan pa rin sila. "
- Alvin Madan
'Yan na lang ang nasabi ng dati kong classmate sa ABF na si Alvin habang naghihintay kami sa Mc Donalds Farmers Market noong nakaraang April30 para sa swimming/ get- together. Halos yearly naman itong ginagawa (depende sa mood ni Izza) para sana magkita- kita kahit paano at magkabalitaan.
Pinakamaaga ako sa meeting place (eh taga- Project4 lang naman kasi ako eh) at si Roxan- taga- Bulacan pa siya pero mas maaga pa rin siyang dumating dun sa iba. Ilang minuto lang, dumating na rin sina Alvin, Izza, Dianne, Jeanette, Marlon at si Mam Demetrio kasama ang "Honey" niyang si Joey. Sumunod na lang si Chad sa Resort.
Ang original na plano eh sa Bosay Resort kami sa Antipolo, pero dahil summer at peak season, puno na sila kaya napunta kami sa Loreland Farm Resort. Twice na akong nakapag- swimming doon (pangatlo na nito), at hindi ko masyadong na- enjoy, medyo hindi yata maganda ang vibes ng place na 'to.
Ok naman ang swimming na nangyari... ok naman.
Sabi namin ni Izza, "Enjoyin na lang natin. "
Tama nga naman, kaysa mag- isip kami ng kung ano- anong hindi magagandang thoughts tungkol sa lakad na 'yun, at kung pa'no mababawi ang ibinayad namin, eh sikapin na lang naming "enjoyin". Pagtiyagaan.
Depende na sa tao 'yan kung pa'no niya titignan ang mga bagay- bagay at ang isang sitwasyon.
Hindi ko lang maintindihan, kung kailan pa nagkaroon ng sariling "Group page" sa Facebook kaming magba- batchmates, na dapat sana ay magiging isang way para mas maging organized ang lakad na 'yun, eh parang mas naging magulo pa- maraming taong naging paasa. Post nang post ng kung ano- ano sa wall na kesyo magdadala raw ng ganito ng ganyan; na kesyo 'wag daw magsama ng partner; na kesyo sila- sila na lang ang magsasabay- sabay. Mga paimportante. Mas maiintindihan ko pa kung nung simula pa lang eh nagsabi na silang hindi sila makakama. Hindi ko alam. :l
"Ang tatanda na natin eh, tapos ganyan pa rin sila. " , Alvin.
Nagpicture- picture pa rin ako. In- enjoy ko na lang. : l
No comments:
Post a Comment