Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Saturday, May 7, 2011

Juliet, Juliet :)

Hindi ko masyadong inintindi ang pelikulang Letters to Juliet na idinrect ni  Gary Winick at sinulat nina Jose Rivera, Tim Sullivan  noong palabas pa sa mga sinehan, hindi naman kasi ako mahilig sa mga foreign films. Walang masyadong halina sa akin ang mga panooring banyaga, ewan ko ba. Lalo na 'yung ang mga tema ay sci- fi at fantasy, hindi ko talaga gusto. Pelikula lang ni John Lloyd Cruz ang pinanood ko sa sinehan. Feeling ko, sulit na sulit ang ibinayad ko 'pag siya (John Lloyd) ang artista (pagbigyan n'yo na ko).  :)

Dahil laganap na talaga ang piracy dito sa Pilipinas, pahuhuli ba naman kami. Sa sobrang dami naming pirated cds at dvds eh pwede na kaming magparenta (as if namang may kakagat pa eh ang mura- mura lang ng isang kopya, Php20.00 lang!) Mula sa mga Disney animated films hanggang sa mga concerts at local at foreign movies eh meron kami. Mahilig bumili 'yung kapatid kong si Romel sa tuwing nagagawi siya sa Quiapo. 

Isang araw, isinalang niya (Romel) 'yung Letters to Juliet. Akala nga namin malabo pa ang kopya, ok na pala. 

Si Sophie Hall ( Amanda Seyfried ) ay isang fact checker na mula sa New york. Ano ba ang isang fact checker? Taga- check ng facts! :) Bubungad ang eksenang hawak ni Sophie ang kanyang cellphone at isang picture, kausap ang isang lalaki sa kabilang linya at tinatanong niya (Sophie) kung totoo ba ang nasa larawan. At... dahil magaling siyang fact checker nakuha niya 'yung gusto niyang makuha. Nalaman niyang totoo 'yung pangyayaring nasa picture (panoorin n'yo para malaman n'yo kung ano 'yun). 



Kahit na mahusay na sa trabaho niya si Sophie, isa lang naman ang pangarap niya talaga sa buhay- ang maging writer! Ehem. :) Mahilig siyang magsulat, at pakiramdam niya eh kaya niyang makipagsabayan sa ganitong larangan. 


Pumuntang Verona, Italy si Sophie kasama ang fiance niyang si Victor (Gael García Bernal ), isang chef. Ito ay para sa kanilang pre- wedding honeymoon. Hmmmmmm. Pero, masyadong maraming gustong gawin si Victor na kung ano- anong bagay na may kinalaman sa pagbubukas ng restaurant niya sa New York, kaya laging naiiwang mag- isa si Sophie. Para maalis ang pagkainip, pumunta si Sophie sa "Bahay ni Juliet (Casa di Giulietta). Kakaiba ang lugar na ito dahil dito sumusulat ang mga kababaihan para humingi ng payo tungkol sa mga heart at love problems nila. Kinukuha ito ng mga kababaihang nagtatrbaho doon (Secretaries of Juliet) at sila ang sumasagot sa bawat liham. 


Dahil likas na palakaibigan at magiliw sa tao, nagawa ni Sophie na makilala ang mga babaeng sekretarya raw ni Juliet. At sa di inaasahang pagkakataon,napabilang sa kanila si Sophie. Sinagot ni Sophie ang isang nakatagong sulat mula kay Claire Smith-Wyman (Vanessa Redgrave), isang Briton.  Humihingi ng payo ang babaeng 'yun tungkol sa kanyang first love. Nga lang, ang liham ay 50 taon na ang tanda. Matagal ng nakatago ang sulat na 'yun at di lang napansin. 

Magkaganunpaman, sinagot pa rin ni Sohpie ang sulat ni Claire kay Juliet. 

Wala pang isng linggo ay dumating ang isang gwapong lalaking Briton sa Verona, si Charlie Wyman (Chris Egan). Galit na galit na sinugod si Sophie at tinanong kung bakit nagawa pa nitong sagutin ang liham ng kanyang lolang si Claire. Simple ang sagot ni Sophie, "Because she deserves an answer.". Tama nga naman. 

Dinala ako ng pelikula sa masalimuot na paghahanap nina Sophie, Charlie at Claire kay Lorenzo Bartolini (Franco Nero)- ang first love ni Claire. Sa paglalakbay na 'yun, ipinakita rin ang pigil na pigil na "pagkadevelop" nina Sophie at Charlie sa isa't isa. Nahuhulog ang loob nila nang hindi nila nalalaman.Nakita nila si Lorenzo sa isang vineyard, biyudo na siya. Kaya... libre na sila ulit ni Claire!

Nang matapos ang paghahanap kay Lorenzo ay bumalik na si Sophie sa New York, kay Victor. Kaya lang, nadama niya sa kanyang sarili na iba na, na iba na siya. Na nagbago na ang nararamdaman niya para kay Victor. Nakipaghiwalay siya sa kanyang fiance at bumalik ng Verona para makidalo sa kasal nina Claire at Lorenzo. At doon, nagtapat na rin si Charlie sa kanya. 

Pormula ang pelikula kung tutuusin. Ginawa para pakiligin ang mga manood. Ang romansang hatid ng kwento nina  Romeo and Juliet ni William Shakespeare  na ginamit bilang background ng buong istorya ay malaki ang naging tulong. Isa itong pamosong akda na hindi na kailangan pa ng kahit anong introduksyon at paliwanag. Alam ng mga manood na love story ito at punong- puno ng pag- iibigang may kung ano- anong twists. 

Nakakatawa lang na sinikap ng mga writer na gawing fact checker ang trabaho ni Sophie para masuportahan ang pagiging "pakialamera" niya sa istorya- "mahusay na pakialamera" dahil nahanap nila si Lorenzo.

Ang Italya, sina Juliet at Romeo, sina Claire at Lorenzo, sina Sophie at Charlie ay ang mga elementong nagpa- igting pa ng pagiging romantiko ng pelikula. 



ANG SULAT NI JULIET (SOPHIE) KAY CLAIRE:



  Dear Claire, 

               "What" and "If" are two words as non-threatening as words can be. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: What if? What if? What if? I don't know how your story ended but if what you felt then was true love, then it's never too late. If it was true then, why wouldn't it be true now? You need only the courage to follow your heart. I don't know what a love like Juliet's feels like - love to leave loved ones for, love to cross oceans for but I'd like to believe if I ever were to feel it, that I will have the courage to seize it. And, Claire, if you didn't, I hope one day that you will. 

                                                                                                                                            All my love, 
                                                                                                                                                        Juliet 

  

No comments: