Kagagaling ko lang sa AdU kaninang umaga para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika, na mas nararapat yatang tawaging Araw ng Wika. Mainit.At dahil maalinsangan nga ang panahon at trik na tirik ang sikat ng araw, walang natira sa ST Quad kundi ako lang, at ang kasama kong emcee na si Ma'am Dulatre. Lahat ng estudyante(pati na rin 'yung ibang guro) nagsisikan sa gilid ng Quad. Hmmm.'Yun ang unang programang nadaluhan ko sa ilalim ng Kagawaran ng Filipino ng pamantasang iyon. Sa totoo lang, parang hindi naasikaso nang mabuti. Sana, kung sa saradong lugar o tanghalan gianwa ang programa eh mas naging maayos sana at mas marami ang nanood.
Umuwi na ako agad pagkatapos ng kong mag- emcee, hindi na ako nakikain pa. Para kasing matutunaw na ako sa init.Grabe talaga. May mga estudyante pa nga akong kasali sa patimpalak sa pagluluto ng puteheng pinoy(chicken curry ang lulutuin nila) pero hindi ko na naasikaso, umuwi na ako. Para kasing hindi ako makatagal dun. At saka isa pa,wala na nam daw klase eh, kaya umuwi na ko.
Ngayon, ang iniisip ko naman 'yung programa sa SanLo. Mas pasaway ang mga bata dun. Mas mauubos ang enerhiya ko dun.Hmmmmmm. Bahala na talaga.
Maya- maya ulit.
No comments:
Post a Comment