Ewan ko, pero nitong mga huling araw eh parang napapagod ako nang sobra sa pagtuturo. Gusto ko naman 'yung ginagawa ko pero hindi ko maintindihan kung bakit. Sa biyahe nga lang ba (Mahirap pala talagang pagsabayin ang dalawang schools na pinagtuturuan, lalo na kung nasa magkabilang parte ng daigdig.), o talagang nananawa na ako?
Pumapasok ako sa AdU nang alas nuwebe ng umaga tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Alas siyete y medya naman tuwing Martes at Huwebes.Diretso na agad ako sa klasrum, kasi wala naman akong mesa sa faculty room.Naaasar nga ako sa isang oras kong break (10:00- 11:00 am) kasi wala naman akong tatambayan. Ang ending, pumupunta pa ako tuloy sa SM Manila, kaya hindi ko mapigilan minsan mapagastos nang malaki sa pagkain pa lang.Tapos, maglalakad ako ulit pabalik sa napakataas na CS Building kaya parang nawala rin agad 'yung kinain ko.
Pagkatapos ng klase, umuuwi na ako agad. Minsan, 'pag sinisipag ako, bumababa ako sa Carriedo Station ng LRT line 1 para magsimba sa Quiapo Church. Kaso, nitong huli hindi na masyado kasi ang haba ng nilalakad tapos ang init- init pa.
Halos ang kabuuan ng araw ng Martes at Huwebes ko ay nauubos sa Colegio de San Lorenzo. Medyo mahirap dun. hehehe. Walang problema sa mga pasilidad, sa mga katrabaho, ang problema...mga estudyante- lahat nang estudyante. Mabibilang lang siguro sa daliri ko kung ilan lang 'yung matitino (semi- matino pa 'yun ha, hindi 100%). Wala sigurong araw na hindi ako sumigaw o nagalit sa mga bata dun. Haaaay.
Mayroon pang halos isa't kalahating buwan bago matapos ang semester na 'to. May panahon pa akong mag- isip- isip ng mas magandang plano para sa susunod na sem. Kasi, kung walang mangyayaring maganda, kakaiba at exciting sa buhay ko, baka matulad na lang ako sa iba...nakukuntento na lang sa pwede na. :(
No comments:
Post a Comment