Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Saturday, August 20, 2011

Aralin: PONEMA

Ang batayang yunit ng tunog na pinag-aaralan sa Phonology at Phonetics ay ang ponema (o phoneme). Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika. Ang Phonetics ay ang pag-aaral ng mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng wika. Samakatwid, ang ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang ginagamit sa wika, at kung paano ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na hindi bahagi ng wika. Samantala, ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng isang wika upang makalikha ito ng kahulugan. Sa madaling salita, ang Phonetics ay nakatuon sa pag-aaral ng imbentaryo ng mga tunog ng wika ng tao na nagmula sa mga pinagsama-samang set ng tunog ng lahat ng wika, at ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng set ng tunog ng isang wika o ang pagkukumpara ng mga set ng tunog ng iba’t ibang-wika.


Ponolohiya (Phonology) - Tatlong Salik sa Pagsasalita (Three factors in Speaking) 
1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga (pressure created when exhaling) 
2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal) 
3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador (modifies the sound. The mouth and nasal passageway are considered as resonators.) 

Ponolohiya ng Filipino 
PONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang tunog. 

Ang Filipino ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 ang patinig 
"katinig means consonant and patinig means vowel" 

Mga katinig: 
Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M 
Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T 
Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S 
Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, W 
Pasutsot (sounds produced by exhaling) - H 
Mga Patinig: 
A, E, I, O, U 

Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y. 

Halimbawa (Example): 
aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy. 

Halimbawang salita (Example word): 
bahaw, bahay, okoy




Ponema -  ang pinakamaliit na unit ng  makabuluhang tunog.
                0Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at
                   suprasegmental.
            Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay
                                   kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato.
            Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono
                                           (tune), haba (lengthening) at hinto
                                           (Juncture).

            2 Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita.

1.       Haba
* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
    pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng  salita:
                                          bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
                                          bukas = hindi sarado
2.       Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng 
   binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
                                          BU:hay = kapalaran ng tao
                                          bu:HAY = humihinga pa
                                          LA:mang = natatangi
                                          la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3.       Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
    mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
    3  sa mataas.
* halimbawa ng salita:
                              Kahapon = 213, pag-aalinlangan
                              Kahapon = 231, pagpapatibay
                              talaga = 213, pag-aalinlangan
                              talaga = 231, pagpapatibay                                
4.       Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
   malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
   o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
                                          Hindi, siya ang kababata ko.
                                          Hindi siya ang kababata ko.

Friday, August 19, 2011

Panaginip by Noel Cabangon



Napakaganda! :)

Aralin: PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


  1. 1. ASIMILASYON- pagbabagong naganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito.
d.l.r,s,t                                    b, o p                          k,g,h, m, n, ng,w, y
PAN                                         PAM                                    PANG
MAN                                        MAM                                   MANG
SIN                                         SIM                                      SING
SAN                                        SAM                                   SANG
Hal.
Pan+ dikdik             pam + bayan                                    pang + gabi
=Pandikdik               =pambayan                                        =panggabi
2. METATESIS – kapag  ang salitang ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay ginitlapian ng
    (-in) ang /l/ o /y/  ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng posisyon.
    Hal.
    -In  + lipad =  linipad = nilipad
    - in + yaya  = yinaya =  niyaya
    3. PAGKAKALTAS NG PONEMA –.  Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
      Hal.
      Takip + -an = takipan = takpan
      Sara + -han= sarahan = sarhan
      4. PAGLILIPAT- DIIN- may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian.
        Hal.
        Basa + -hin = basahin
        -ka + sama+ han = kasamahan
        5. MAY ANGKOP – kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.
          Hal.
          Wikain mo                              kamo
          Hayaan mo                             hamo
          Winika ko                               ikako
          6. PAGPAPALIT NG PONEMA-  kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
            Hal.
            D                                             R
            Ma + dapat = madapat                           marapat
            Ma + dunong = madunong                     marunong
            7. MAYSUDLONG o PAGDARAGDAG NG PONEMA – kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi.        /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/
              Hal.
              Antabayanan, antayan
              Muntik- muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan

              Dear Lord

              Dear Lord,
              Help him. Guide him.
              Let him see things from a different perspective
              Give him more patience- tons and tons of it
              Allow him to be free from worries
              For him to have a sound mindset, a contented heart and a happy soul
              That would eventually lead him on making better decisions and clearer judgments.
              Ikaw na 'yan, Lord.
              Ikaw na.



              Ikaw, Si Pepe at ang Munting Gamugamo


              Matagal na kitang binalaan 
              Ang paglapit sa apoy ay 'wag masyadong kahiligan
              Naging bisyo mo na
              ang makipaghabulan, makipagtaguan at makipagpatintero 
              Sa liwanag at sa init ng umaandap- andap na ilaw

              Sige ka nang sige, sugod ka nang sugod 
              Kahit na napakarami nang nagbigay ng paalala
              Hindi ka na humingi ng pahintulot
              Basta ka na lamang umalis
              Nagpatuloy sa paglipad
              sa pagkampay ng 'yong mga munting pakpak

              Puno ng pananabik ang damdamin
              Habang umuusal ng isang panalangin
              Na ang gagawin mo sana'y magbunga ng mabuti
              Para sa sarili, para sa nakararami

              Tangan ang talino mo't  mabuting hangarin
              Baon lamang ang positibong pagtingin
              Sa kasalukuyan, sa kinabukasan
              Umaasang gagabayan ka ng Poong Maykapal
              Na ituturo ng pagmamahal ng 'yong mga magulang at kapatid 
              ang tamang landas patungo sa nais mong puntahan

              Alam kong wala kang pinagsisisihan
              At wala ka ni katiting mang hinanakit
              Batid kong masaya ka sa 'yong naging hakbang
              Malaki man ang naging kapalit at kabayaran

              Pinatunayan mong wala na ngang libre sa mundong ito
              Na ang lahat ng bagay na ninanais ay may katapat na halaga
              Na may kailangang maging malungkot para lumigaya ang iba

              Hindi madali ang 'yong ginawa
              Madilim ang daan na tinahak mong mag- isa
              Para lamang marating ang 'yong destinasyon-
              Ang umaandap- andap na liwanag 
              Bagaman para sa ilan, kapalaran mo'y naging masaklap
              Maligaya ako sapagakat naabot, nahawakan at nayakap mo ang 'yong pangarap. 


              DAHIL HINDI KA ISANG CONSOLATION PRIZE


              Napakasarap sa pakiramdam ang tanghaling panalo
              Langit ang nadarama sa pagputong ng korona
              Sa pag- abot ng setro, pagbigay ng bulaklak, at pagsuot ng kapa
              Walang kapantay ang sayang dulot ng palakpakan at hiyawan
              Ng paulit- ulit na pagsambit at pagsigaw ng 'yong pangalan.
              Hindi matatawaran ang ligayang hatid
              Ng pagsampa sa entablado, pagngiti at pagkaway 
              Habang isinasabit sa'yo ang gintong medalya.
              Higit pa sa galak ng isang pamosong boksingero 
              Sa tuwing mapatutumba niya ang kanyang katunggali, 
              Walang kapantay ang tuwa sa'yong dibdib
              Kapag napapatawa mo ang mga tao sa'yong paligid.
              'Sandaang milyon at higit pa ang halaga
              Ng 'yong salapi sa bulsa at sa kaha.
              Napasusunod mo ang lahat 
              Sa pag- angat lamang ng 'yong daliri at pagkumpas. 
              Lumuluhod ang mga tala 
              At nagbibigay- pugay ang mga Bathala. 
              Ikaw ang nanalo; ikaw ang nagwagi; 
              Ikaw lang, wala nang iba pa. 

              Ibinigay mo sa kanya ang lahat ng premyo
              Hindi mo basta lang ipinahawak ang korona
              Ipinagkatiwala mo pa, ng buong puso,
              Ng buong kaluluwa. 
              Panay- panay ang pag- aalay mo ng bulaklak, 
              Hinuhubad mo ang 'yong kapa sa kanyang harap.  
              Isinangla mo ang gintong medalya para sa kanya
              Inihagis mo ang setrong nawalan na ng silbi
              Nilimas mo ang laman ng kaha
              Sinaid hanggang sa huling barya
              Namusyaw ang mga bituin sa isang iglap
              Nawalan ng saysay ang 'yong mga salita
              Wala nang tumatalima sa 'yong mga utos at batas
              'Pagkat ikaw na ang alipin
              at siya na ang iyong panginoon. 

              Masaya naman raw siya kapag kasama ka niya
              Pero kaya rin naman niyang mabuhay kahit na wala ka.
              Hindi lang daw sa'yo umiikot ang kanyang mundo
              Hindi niya hiniling na ang lahat ng mayroon ka'y isuko mo. 
              Marami pa siyang nais, at mayroon pa siyang ibang gusto.
              Subalit makakaya na rin daw niyang magtiis sa piling mo
              Kung wala na talaga, kung wala nang iba pa.

              Na sa iyo ang titulo, nag- iisa ka lang
              Isuot mong muli ang korona at kapa 
              Pulitin mo ang itinapon mong setro
              Damputin mo sa sahig ang 'yong pagkatao
              Tubusin mo ang gintong medalya
              Bawiin mo ang iyong dangal at kahihiyan
              Angkinin mo ang trono, at 'wag mo ng pakawalan
              Dalhin mo siya sa dapat niyang kalagyan
              Dahil ikaw ang Big Winner at wala nang iba pa. 
              Ikaw ang Miss Universe at ikaw ang reyna
              Huwag mong hayaang maging pampalubag- loob ka lang niya
              Pamalit at pamatid- uhaw sa mga inaasam niyang ligaya.
              Naka- jackpot siya, iyan ang isipin mo.  
              Ipamukha mong ikaw ang First, Grand at Ultimate...
              At hindi ikaw ang kanyang consolation prize.  

              Aralin: PANG- UKOL at PANTUKOY

              Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon. 

              Ang mga karaniwang pang-ukol ay: 

              ng 
              laban sa/kay 
              sa 
              hinggil sa/kay 
              para sa/kay 
              labag sa 
              ukol sa/kay 
              tungo sa 
              ayon sa/kay 
              mula sa 
              alinsunod sa /kay 
              nang may 
              tungkol sa/kay 



              Ang Pantukoy naman ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag na Article sa wikang Ingles.

              Pantukoy na Tiyak (Definite Article). Ito ang pantukoy na “ang.” Gamit ito sa pagtukoy ng isang partikular o tiyak na pangngalan.
              Mga halimbawa: ang aklat, ang bata, ang kalapati, ang bundok, ang dagat.

              Pantukoy na Di Tiyak (Indefinite Article). Salitang “isang” ang ginagamit na indefinite article sa Taglish o Enggalog. Nag-papahiwatig ito na ang tinutukoy ay isang hindi tiyak na pangngalan.
              Halimbawa: isang bulaklak, isang araw, isang babae, isang dalaga, isang hapon, isang aklat, isang paaralan.
              Pantukoy na Panao (Personal Article). Maliban sa katagang “si,” ang mga panaong pantukoy na sina, kina, at nina ay nagpapahihatig na ang tinutukoy ng mga ito ay dalawa o higit pang mga tao.
              .