Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Friday, August 19, 2011

Aralin: PANGATNIG


PANGATNIG- ay mga kataga, salita o lipon ng mga salitya at kataga na nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita o kaya’y ng kaugnayan ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.
-          Mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunud-sunod sa pangungusap.
Mga halimbawa Ng Pangatnig: 
1. Pamukod - o pagbukod ng kaisipan. ("o", ni, man, maging at kaya) 
2. Paninsay - o magkasalungat sa kaisipan. (kahit, kung sabagay, bago, maliban, datapwat, bagaman, subalit, sukdang, habang, gayon man, samantala, bagkus) 
3. Panubali - kundisyon o di katiyakan. (kung, kung di, pag, sakali, disin, sana, kapag, saka-sakali) 
4. Pananhi - o dahilan. (dahil, gawa, paano, dangan, mangyari, kasi, sapagkat, kung kaya) 
5. Panlinaw - o nasabi na. (kung gayon, samakadwid, sa biglang sabi, alalaong baga, anupat, kaya) 
6. Panulad - (kung paano, gayun din - kung alin, iyon din - kung ano, siya rin - kung saan, doon din - kung gaano, gayun din) 
7. Panapos - o wakas. (at sa wakas, nang, upang, para kay, sa bagay na ito, sa lahat ng ito) 





Aralin: PANG- ABAY


Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. 
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

MGA URI NG PANG-ABAY

1.       Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Ø       May pananda

Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

Hal.      1. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
            2. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
            3. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.
Ø    Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Hal.        1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng   
               dulang Pilipino.
              2. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40  
                       na kaarawan.
Ø       Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Hal.      1. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
              santakrusan.
            2. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang
              kanyang kalusugan.

2.       Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay .
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o
panghalip.
Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantanging ngalan ng tao.
Hal.      1. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
            2. Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk  para sa
              iyong kaarawan.
       
3.       Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
            Hal.      1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
                        2. Bakit siya umalis na umiiyak?
                        3. Tumawa siyang parang sira ang isip.

4.       Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap
sa kilos ng pandiwa. Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
      Hal.      1. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng
                   Sandiganbayan.
                  2. Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home
                  Coming kaysa nakaraang taon.
                  3. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5.       Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, 
     opo, tunay, sadya, talaga, atb.
            Hal.      1. Oo,asahan mo ang aking tulong.
                        2. Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
                        3. Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6.       Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.
Hal.      1. Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
            2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7.       Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na  gaano o magkano.
Hal.      1. Tumaba ako nang limang libra .
            2. Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8.       Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.
Hal.      1. Kailan po kayo uuwi?
            2. Opo, aakyat na po ako.



Aralin: PANG- URI



Ang Pang- uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan o tumuturing sa pangngalan o panghalip.


Uri ng pang-uri
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
  1. Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
  2. Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
  3. Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami
Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
  1. Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.

Kaantasan ng pang-uri

Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay:
  1. Lantay-naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
  2. Pahambing-nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
  3. Pasukdol-ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.

Aralin: PANDIWA

PANDIWA


  • Bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw.
  • Ito ang nagbibigay diwa sa isang pangungusap.
  • Ito’y binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa tulad ng mga, um ,in, hin, an, han, mak, maki, ma, magsi, at iba pa.

Pangkat A
Pangkat B
1. Bumili ng bagong telebisyon ang nanay sa Makati.
2. Ang tubero ay nag-aayos ng tubo sa aming bahay.
3. Nakinig kay Elvis Presley ang mga bata bago sila sumayaw.
1. Pareho silang naghahanap.

2. Nag-ipon sin sila.

3. Gumagawa sina Mang Ben at Mang Lino.

1.  PANDIWANG PALIPAT
Sa mga pangungusap sa Pangkat A ay mapapansin ang pandiwa at ang parirala. Ang mga parirala ang mga tuwirang layon at pinangungunahan ng pang-ukol na ng, sa at kay. Kapag ang pandiwa ay may tuwirang layon, ito ay pandiwang palipat.

2. PANDIWANG KATAWANIN
Kung ang pandiwa’y hindi na kailangan ng tuwirang layon at nagtataglay ng kahulugang buo sa ganang sarili kaya’t hindi na kailangan ang tagatanggap ng kilos, ito ay tintawag na pandiwang katawanin. 



TINIG NG PANDIWA

Ang tinig ay isang pag-aari ng pandiwa na nagpapakilala kung simuno ang siyang gumaganap o bagay na ginaganap.

Uri ng Tinig ng Pandiwa
1. Tukuyan – kung ang simuno ay siyang tagaganap ng pandiwa. Ang pandiwang nasa tinig na ito ay karaniwang may isang tagatanggap ng kilos o galaw na tintatawag na tuwirang layon. Ang mga um, mag, mang, magpa, maki, at iba pa, ay karaniwang ginagamit sa tinig na tukuyan.

Halimbawa: Nanghiram ka ba ng bilao kina Aling Maria?

2. Balintiyak – kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginagamit na simuno at ang nasabing tgagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa. Ang karaniwang pinaggamitan ng pandiwang nasa tinig na balintiyak ay ang pangungusap na ang dating tuwirang layon ay ang ginagamit na simuno.

Halimbawa: Ang bilao ay hiniram kina Aling Maria.


ASPEKTO NG PANDIWA
          Ang pandiwa ay nagbabanghay sa tatlong aspekto na tumutukoy sa panahong ikinagaganap, ikagaganap, o ikinaganap ng kilos.

1. Aspektong PERPEKTIBO o naganap – nagsasaad ng kilos na nasimulan na o ng kalagayang nangyari na.
Halimbawa: Napanood ko ang pagsayaw ni Clare kanina.
2. Aspektong IMPERPEKTIBO o nagaganap – nagsasaad ng kilos na ginagawa sa kasalukuyan o ng kilos na palagiang ginagawa.
Halimbawa: Napapanood ko ang pagsasayaw ni Clare ngayon.
3. Aspektong KONTEMPLATIBO o magaganap- nagpapahayag ng kilos na gagawin o mangyayai pa lamang.
Halimbawa: Mapapanood mo ang pagsasayaw ni Clare sa Linggo.

Mga Pokus ng Pandiwa



Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
1. aktor-pokus o pokus sa tagaganap
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
Bumili si Rosa ng bulaklak.
Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

2. pokus sa layon

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga props para sa play.
Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
Binili ni Rosa ang bulaklak.

3. lokatibong pokus o pokus sa ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?".
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.

4. benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "para kanino?".
(i- , -in , ipang- , ipag-)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.

5. instrumentong pokus o pokus sa gamit
Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".
(ipang- , maipang-)
Halimbawa:
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.

6. kosatibong pokus o pokus sa sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "bakit?".
(i- , ika- , ikina-)
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.

7. pokus sa direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?".
(-an , -han , -in , -hin)
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.


Aralin: PANGHALIP



Ang Panghalip ay humahalili sa mga pangngalan upang mabawasan ang pag-uulit-ulit
Hal.
Si rosa ay maganda. 
Siya ay maganda. 
(ang panghalip na “siya” ang humahalili sa pangngalang “rosa”)


 Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao – ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.
Pinapalitang Ngalan ng Tao/Panauhan
Bilang o Kailanan
Isahan
Dalawahan
Maramihan
Taong Nagsasalita
Ako, akin, ko
kita, kata
Tayo, kami, natin, naming, atin, amin
Taong Kausap
Ikaw, ka
Kayo, inyo, ninyo
Taong Pinag-uusapan
Siya, niya, kanya
Sila, kanila, nila

2. Panghalip na Pamatlig – ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ito rin ay inihalili sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
Hal.
Mabango ang bulaklak.
Mabango ito.
Malapit sa Nagsasalita
Malapit sa Kausap
Malayo sa Nag-uusap
ito/ ire
heto
dito
iyan
hayan/ ayan
diyan
iyon
hayun/ ayun
doon

3. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.
Hal.
Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganyan - Malapit sa kausap
Ganoon/Ganyan - Malayo sa nag-uusap


Kaukulan ng Panghalip 


1. Kaukulang palagyo-  kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap. 

Halimbawa:
1. Siya ay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan. 
2. Tayo ay magtitipid upang mabili natin ang gusto nating mga laruan.
3. Sila ay mga kinatawang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Kaukulang Paari  - Ito ay nagsasaad ng pang-aangkin nag isang bagay sa loob ng pangungusap. 

Halimbawa:
1. Ang bahay nila ay malapit sa paaralang iyong papasukan.

2. Ang aking lolo ay isang sastre.

3. Kaukulang Palayon  -  ginagamit na layon ng pang-ukol (preposition) o pandiwa (verb). 
Halimbawa:

1. Ang batas na ito ay makasasama para sa madla. 
2. Ang kamalig ay inayos nila. 

Aralin: PANGNGALAN

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. 

Pagkahati-hati ng pangngalan

Ayon sa Katangian

Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.
  • Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose RizalLunetaGloria Macapagal-ArroyoBathala
  • Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayaniaso, katamisan ,pagdiriwangpusa

Ayon sa kayarian

Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.
  • Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal. Halimbawa: tubigbundokpagkain
  • Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay
  • Lansak - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhankapuluan
  • Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa: kaisipansalawikain, katapangan
  • Patalinghaga - pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan)

Ayon sa kasarian

Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang "lalaki" o "babae" bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaing pusa
Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangang lagyan ng mga salitang "lalaki" o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangngalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangngalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:
  • Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw)
  • Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop)
  • Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki
  • Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay

Ang Kailanan ng Pangngalan

Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan.
  • Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sini, o kay kapag mga tao ang tinutukoy, at angng (nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilang isang o sang,sam, at son na mga hangong salita nito. Halimbawa: Ang kapatagan ay isang anyong lupa.
  • Dalawahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sinaninakina, at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa: Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.
  • Maramihan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han". Halimbawa: kabahayan, kabukiran, Kabisayaan