Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Friday, May 6, 2011

HILO

Gusto mo ba talaga ng snow?
Magkaroon ng punong namumunga ng pera?
Maging bata habambuhay at magkaroon ng eternal na ganda?

Himala.
Pagpapala.

Paano kung magkatotoo ang lahat ng mga hiling mo?

Kakayanin mo kaya ang palagiang pag- ubo?
Di ka naman sanay sa malamig na klima.

Handa ka bang pagkaguluhan ng madla ang "money tree" mo?
Lagi kang iistorbohin, hihingi lang ng balato.

Paano kung ang lahat ng mahal mo ay kulubot, mahina at uugod- ugod na?
Pero ikaw: sariwa, masigla at mahalina pa.
Maaatim mo ba?

Himala?
Pagpapala?

Sanay na sanay kang humiling, magsumamo at manalangin
para sa mga bagay na nais maangkin.

Subalit 'pag nandiyan na't nakahain...
para kang isang "baliw" na di alam ang gagawin.

Himala...
Pagpapala!
Sumpa.


1 comment:

Anonymous said...

ganyan na ganyan si gloria..Himala dahil nanalo sya bilang pangulo..Pagpapala dahil madami sya pera galing sa kaban ng bayan..Sumpa marahil sa mga ginawa nya na pagsasamantala ngaun sinisingil na..