Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Saturday, December 29, 2012

Hmmmm...

Ok lang maging maarte, 'wag ka lang masanay na laging mag- inarte. Magkaiba kasi 'yun. :l

Hindi Lahat Nakukuha sa Pakiramdaman

sa pag- upo niya

SA PAGLAPIT MO

sa kanyang pagmamasid

SA DAGLIAN MONG PAGTABI

isang ngiti.

ISANG LIBO'T ISANG PAG- ASA ANG HATID

niya

SA IYO

tahimik lang.

KINAKABAHAN.

nagsimula siyang umawit ng masayang himig.

LALO KANG NATORETE

pabulong lang subalit may lambing ang bawat letra.

MAY GUSTO KANG SABIHIN PERO DI MO KAYANG SIMULAN.

sunod- sunod ang pagbaba't pagtaas ng kanyang tinig

DI MAPIGIL ANG KABOG SA DIBDIB MO.

umihip ang hangin, nilamig kaya dumikit sa'yo.

UMINIT ANG PALIGID, PINAGPAWISAN KA NA.

naglapat ang mga balat, dumaiti ang siko.

NASAGI ANG DAMDAMIN, NASAPUL ANG PUSO.

sa wakas.

MABUTI NAMAN.

muling nagkatinginan.

NAGKATITIGAN.

malamang ay siya na nga.

MUKHANG MAY POSIBILIDAD NAMAN.

swerte.

AYOS.

pero ang mabagal.

ANG HIRAP KASI, TUMATAGAL.

naguguluhan na.

LITONG- LITO PA.

ano ba talaga? lokohan ba ito?

SANDALI PA, ILANG MINUTO PA.

tumayo at mabilis na naglakad palayo

NAIWAN AT NANGHIHINAYANG

mag- isa.

UMAASA

Kung ang Tulad mo ay Isang Ipis

Malamang walang magtatangkang lumapit sa’yo
Ni ang tignan ka ay di nila magagawa
Sa layong sampung metro maririnig mo na ang mga hiyaw 
Ang yabag ng mga paang palayo
Ang mga tili na may halong pandididri
Lumilipad ka nga
Pero di mo naman alam kung saan ka ba talaga papunta.

Patuloy ka lang na dadapo sa mga tirang pagkain
Makikiamot sa mga pusa, aso at daga
Pepestehen mo ang lahat ng mga bagay sa paligid
Magdadala ka ng mikrobyo
Magsasabog ka ng dumi
Araw- gabi mong iikutin ang buong kabahayan
Gagapang- lilipad ka sa sahig, pader at kisame
Pero mas pipiliin mong lumagi sa basurahan
Dahil alam mong doon talaga ang ‘yong tahanan

Subalit alam mo kung ano ang nakakainis
Hindi ka naman ipis
Tao ka
Taong may ugaling higit pa sa isang insekto
Masahol ka pa sa ahas kung umatake nang patalikod
Mas matindi ka pa sa hunyango kung magpanggap na santo
Isa kang linta na sumisipsip ng enerhiya at lakas ng kapwa mo
Para kang leon o tigre na kayang kainin nang buong- buo ang kanyang kasama
Wala kang pinagkaiba sa isang buwaya
Baboy kang patuloy na nagkakalat at dumurumi sa sarili mong kural
At aso kang may talentong kainin muli ang pagkaing naisuka mo na.

Pero kung magkataong ipis ka ngang talaga
At tao ako
Isa lang naman ang katapat mo
Hihintayin ko lang ang ‘yong pagdating
Lagi akong magbabantay
Hinding- hindi kita tatakbuhan
Wala kang makikitang takot
Hindi ka makakarinig ng sigaw
Sa minsan mong pagtigil
Tityempuhan kitang talaga
Buong lakas kong ipapalo ang tsinelas ko sa’yo
Hahampasin kita nang paulit- ulit
Dudurugin kita hanggang sa malumpo ka
At alam mo kung ano ang higit na nakakatawa
Habang pinapatay kita
Ang mga tao sa paligid ko
Pumapalakpak at masaya

Ngunit napaisip ulit ako
Ipis ka lang
At tao nga ako
Mananatili kang isang mababang- uring nilalang
Na ang tanging gamit ay pambalanse lang sa kalikasan
Wala ka naman talagang silbi kung tutuusin
At di rin naman ganoon kalaki ang epekto mo sa amin
Hahayaan na lang kitang umalis
Hindi ka naman kabawasan
Ipagpasalamat mo na lang ang buhay mo
Dahil bali- baligtarin mo man ang mundo
Hindi magiging magkapantay ang insekto at tao

Let Them. :D

Hindi mo talaga magagawang punuan ang lahat ng pagkukulang ng kapwa mo dahil ikaw mismo ay may sariling problemang kailangang asikasuhin at bigyang- pansin. Minsan, kailangan mo silang hayaang tumayo sa sarili nilang mga paa.

Bakit Ganun? :l



Nakakatuwang malaman na human nature pala talaga ng (karamihan sa) bawat isa ang mag - move-on. 

Pero paano kung 'yung bagong taong dahilan kung bakit ka nakapag- move- on ay katulad din o mas "magulo" pa doon sa sinundan niya? 




***Minsan, may mga kakaibang trip ang universe eh. Nakakatawa.







Dense...

Kahit anong effort pa ang ibigay mo kung hindi ka naman mahalaga sa kanya, hindi niya 'yun makikita.

Alam N'yo

Nangyayari ang pang- aabuso ng ilan dahil sa kawalang pakialam ng karamihan.

Tuesday, November 13, 2012

Ambivalent

Life has taught me
That everything is predetermined
We walk on a particular path
Because that is how its supposed to be
We are, where we are right now
Simply because this is the perfect spot
That our family, friends, career, faith and love
Are all predestined for us



Life, with all its
Bewildering elements
has been giving us questions
On how to decide and make choices
On starting and finishing accordingly
On flying and preparing how to fall gracefully
On listening and reading with cognizance
On speaking and writing with certainty
On dealing and even stealing something from someone
On living cheerfully
On living righteously
And on living while doing what is being expected.



Life, with all its generosity
Has been giving us abundant options
Tons and tons of it
Look, choose, decide
Stare, move, touch
Run, walk, pause...surrender
Breathe.
And start again.





Monday, November 5, 2012

I Was Once Told

I was once told
It would be a neverending journey
That I had entered a dark labyrinth
That I was putting my life on the line
Going back and forth
Climbing up and running down
Some told me that I may lose everything
That all of these could lead to a catastrophe
And that my heart might be the biggest casualty

I was warned, one too many times
By my family, by my friends
Their irony and sarcasm were all over the place
Biases and prejudices were omnipresent
And the word pessimism then
Was an understatement

I was once told
That there are no fairytales
That princesses are hopeless dreamers
That Prince Charming is a mere frog who just got lucky
That real godmothers are never that kind and giving
That nobody sleeps for a hundred- year  
That mermaids are just figment of the imagination
That everyone must grow old
That we-- you and me
All of us desperate human beings
Only have a single wish

I was once told all of these
So I got lost
I was confused
Disheartened, disenchanted
But you, you found me
In the midst of the tunnel
Travelling around the maze
It was not your duty to protect me
Nor it was your obligation to rescue
But you held my hand
You guided me through
And just like that
As fast as that illusive magic carpet ride
Under our own Arabian moonlit night
I saw a more colorful and exciting horizon
with you.























Saturday, November 3, 2012

Ang Pinakamagarang Parol

Disyembre 16; Biyernes

Madaling araw. Alas kuwatro pa lang ng umaga ay nakagayak na si Bong para sa unang simbang gabi. Tipikal na labing limang taong gulang na binatilyong bihis na bihis at animo’y pupunta sa isang party ng kaibigan. Nakatsinelas nga lang siya. Naglagay siya ng gel sa buhok. Paulit- ulit niya itong sinuklay, ginulo at sinuklay ulit. Tanghali pa ang pasok ni Bong sa eskwelahan kaya hindi naman siya nag- aalalang mahuli. Isa pang tingin at lingon sa salamin at lumabas na siya ng kanilang bahay. 

Tulog pa ang siyam na mga kapatid ni Bong nang maglakad siya palabas. Dahan- dahan niyang pininid ang pinto ng kanilang munting bahay. Gusto sana niyang magkape man lang. Nasa bakuran na ang kanyang ina at nagwawalis. Maaga ring nagising. Siguro’y sabik din sa unang araw ng simbang gabi. Nililinis ng nanay niya an mga tuyong dahon na nalalag mula sa puno ng mangga. 

“Alis na po ako, ‘Nay.” Ang sabi ni Bong sa nanay sabay kuha ng kamay nito para magmano.

“4:30 ang misa, di ba?Bilisan mo na at baka mahuli ka, dumating ka dun tapos na ang sermon ng pari.”


“Ayaw n’yo po ba talagang sumama?”


“Ay, hindi na. Baka magising ‘yung bunso mong kapatid, mahirap na. At saka nandun na naman ang lola mo.”


“Unang araw po ngayon ng Misa de Gallo.”

“Hindi na, ‘nak. Maiintindihan ‘yun ng Diyos.”

“Kayo pong bahala.”

Hinatid ng tanaw ng kanyang ina si Bong. Kasabay ang paulit- ulit at malalim na buntong- hininga.

Malamig ang klima ng umagang iyon sa Barangay Dolores, sa San Fernando, Pampanga. Kaya naman hindi na alintana ni Bong ang paglalakad mula sa kanilang bahay papunta sa pinakamalapit na simbahan. Habang paparating ang araw ng Pasko ay mas tumitindi ang panananabik ni Bong.  Lagi niyang naiisip ang maraming palamuti, masayang pagtitipon, masarap na kainan, mga regalo, ang palabas sa plaza at patimpalak sa paggawa ng Pinakamagarang Parol. 

Ang Giant Lantern Festival ay isang taunang timpalak na nilalahukan ng iba’t ibang barangay. Naging pamoso na ito dahil na rin sa masigasig na kampanya ng alkalde at ng iba pang opisyales ng bayan. Sabi nila, malaking pera ang kikitain kung makikilala ang San Fernando bilang Christmas Capital ng buong Pilipinas. Dagdag pondo para sa kaban ng kanilang bayan. 

Ilang hakbang na lamang ay nasa harap na ng simbahan si Bong. Papalapit na siya nang papalapit sa tunog ng kampanang humihikayat sa madla na magsimba. Tuwang- tuwa niyang pinagmasdan ang mga nagtitinda ng bibingka, puto- bumbong, suman at kung anu- ano pa. Subalit nakaramdam din siya ng kaunting lungkot. Hindi niya maipaliwanag subalit tila may kung anong hapis siyang nadama. Bigla na lamang ay nais niyang maiyak.

Bago tuluyang makapasok sa bakuran ng simbahan ay may babaeng lumapit kay Bong. Medyo may edad na rin. Nakapusod ang puting buhok ng matanda. Hawak ng babae ang isang bungkos ng sampaguita.

“Andito ka na pala. Dapat kanina ka pa ah. Bihis na bihis ka pa. O, kunin mo, ito.”, ang sabi ng babae sabay abot kay Bong ng kalahating bungkos ng sampaguitang kwintas.          

“Pasensiya na, ‘La. Nagbihis pa po ako nang maayos kasi po baka makita po ako nung mga classmates ko rito.  Unang araw po ng simba eh.” ,ang malumanany na sagot ni Bong. 

“ ’Sus, nahihiya ka bang makita ka nila? Ikinahihiya mo ito?”, medyo tumaas ang tinig ng matanda. 

“Hindi naman po. Sorry po ulit.”

“Siya, pumuwesto ka na diyan ha, ialok mo na ‘yan sa mga darating.”

Hawak na ngayon ni Bong ang sampaguitang kailangan niyang itinda at ubusin para sa araw na ‘yon. Sa unang araw ng simbang gabi, kumita si Bong ng Php 115, hindi na rin masama.


Disyembre 19; Lunes

“Salamat po, Ma’am.” , ang sabi ng batang nagtitinda ng sampaguita sa harap ng simbahan. 

Isang ngiti lamang ang isinukli ni Gemma sa bata.

Mula sa Simbahan ng Ina ng Hapis, 5:30 na ng umaga ay kumaripas na sa paglalakad  si Gemma. May ilang minuto pa siya bago makarating papunta sa paaralang bayan ng Dolores kung saan siya nagtuturo.  Ika- 7 ng umaga ang simula ng  unang klase. 


Hawak ni Ma’am Gemma sa kanyang kaliwang kamay ang sampaguitang binili at sa kanan nama’y sari- saring mga papel, folders, plastic folder at plastic envelop. May nakasukbit pa sa kanyang shoulder bag kung saan nakalagay ang kanyang baong pananghalian, class record, salamin sa mata, payong at kung anu- ano pa. 

Nagmamadali na si Ma’am, ayaw niya kasing ma- late, Lunes na Lunes. Mabilis niyang naikilos ang balingkinitan niyang katawan. Bago pa man magsimba ay nagtali na rin siya ng buhok dahil alam niyang ganito nga ang mangyayari.  Kahit  nakapalda pa siya ay paspas pa rin siya sa paglalakad.  Butil- butil na ang pawis sa kanyang noo subalit hindi ito pinansin ni Gemma.

Mabuti na lamang at dalaga pa siya, maliksi pang kumilos. Malapit na siyang mag- trenta años subalit dalaga pa rin. Para sa kanya, wala namang problema sa ganoon. Hindi naman daw siya nagmamadali.  Ang sabi ng nanay niya dapat ay matulungan niya munang mapatapos sa pag- aaral si Jun, ‘yung kapatid niyang bunso. At sabi naman ng tatay niya, dapat makapagpundar muna siya ng lupa’t bahay, mas mainam na rin kung magkaroon na siya ng sarili niyang sasakyan, kapag nangyari ang mga iyon, baka sakaling pwede na siyang mag- asawa. 

“Godd morning, Ma’am”, ang nakangiting bati sa kanya ng gwardiya ng paaralan.

Isang tango lamang ang isinukli ni Ma’am Gemma. Nagmamadali pa rin siya.  Habol hininga, at hingal na hingal, sa wakas ay nasa loob na ng paaralan ang guro. 

Subalit, sa halip na sa silid ng kanyang advisory class o sa faculty room ay dumiretso sa principal’s office si  Gemma. Bago siya kumatok ay luminga- linga muna siya, tinignan niya kung may tao ba sa paligid. Wala pa masyado. 6:01 ng umaga, may ilang minuto pa, halos isang oras.

Kumatok na si Gemma sa pinto. Agad namang may nagbukas nito. Isang lalaking marahil ay edad 40 na subalit maayos at matipuno pa ang itsura. May mangilan- ngilang puting buhok subalit lamang pa rin ang itim. Pusturyoso ang suot nito sa kanyang puting polo- barong at abuhing pantalon. 

“Hinihingal ka na naman, pasok ka na nga.”, ang marahang sabi ng lalaki sabay kuha ng dalang mga folders at papel ni Gemma. 

“Galing pa ko sa simbang gabi, pakisabit mo nga ito sa Sto. Niño”, tugon ni Gemma habang iniabot ang sampaguitang binili sa harap ng simbahan kani- kanina lang.

Isinabit ng lalaki ang sampaguita sa santo. Muli siyang lumingon kay Gemma. Dahan- dahang lumapit sa dalaga. Nang malapit na malapit na siya ay saka yumakap ang lalaki.

“Dalawang araw tayong di nagkita, miss na miss kita.”, ang sabi nito kay Gemma.


“’Miss din naman kita.”, sabay halik sa lalaki.

Di nila namalayan na habang nasa gitna sila ng kanilang paglalambingan ay patuloy sila sa pag- atras sa kabinet na nakapuwesto malapit sa malaking Christmas Tree sa loob ng principal’s office. Kakaatras nilang dalawa ay natabig ni Gemma ang isang picture frame. Nabasag ito. Nagulat ang dalawa. Sabay nilang pinagmasdan sa sahig ang masayang larawan ng lalaking punongguro kasama ang kanyang asawa at tatlong anak.


Disyembre 21; Miyerkules

“Maasahan n’yo po ang full support ng school natin sa project n’yo, Kap.”, ito ang sagot ni Mr. Felipe Gatmaitan, ang punongguro ng Dolores National High School kay Barangay Captain Raul Mendoza. 

“’Yan naman ang gusto ko sa inyo, Sir eh. Talagang lagi kayong nakasuporta sa mga projects ng baragay.” sagot ni Kap.

“Siyempre. Aba, dapat tayo ulit ang mag- champion sa Giant Lantern Festival.”  muling sagot ng principal.

“Dapat. Malaki ang maitutulong ng premyo nun sa pondo ng barangay natin. Salamat, salamat ulit, Sir.”

Tatlong araw bago ang inaabangang patimpalak ng pinakamagarang parol sa bayan ng San Fernando, Pampanga ay abalang- abala na ang bawat barangay na magpapaligsahan. Halos lahat ay naaaligaga sa paghahanda ng kanilang parol na lahok. 

Kaiba sa tradisyunal na parol na yari sa kawayang patpat at papel de hapon ay napakarangya ng parol ng mga taga- San Fernando. Gawa ito sa mga makukulay na plastic na matibay o di kaya naman ay sa capiz. Pinagdurugtong ito ng mga malalaking alambre, nilalagyan ng napakaraming bumbilya. Pinapagana ito ng mga kableng dadaluyan ng kuryente para magpatay- sindi at mas lalong tumingkad. Higit sa lahat, 18 hanggang 20 talampakan ang diametro nito. Dambuhalang parol.

Pinapangasiwaan ni Captain Raul Mendoza ang paggawa ng giant parol ng mga taga- Dolores. Kaunting ayos na lamang at matatapos na ang pabolosong palamuti. 


“Bilisan n’yo diyan! Ayusin n’yo kasi! “, mainit na ang ulo ng kapitan dahil ilang araw na lamang ay dadalhin na sa pinakamalapit na shopping mall ang parol para mahusgahan ng mga hurado at ng mga mamamayan ng San Fernando. 

“Hindi ako pwedeng mapahiya! Anak ng... Tignan mo ‘yan, oh!”, pasigaw na itinuro ni Kap kay Oca ang isang bumbilyang hindi gumagana.

“Pambihira...Tanga ka ba!? Hindi mo ba napansin na hindi umiilaw ‘yun!?”, muling sigaw ng kapitan. 

“Eh isa lang naman po, Kap., baka hindi na po ‘yan mapansin.”, sagot ng lalaki.


“Tarantado! Kahit isa, dalawa, tatlo, o isang libo, ang mahalaga may isang ilaw na ayaw gumana. Matatalo tayo dahil sa kabobohan mo!”, halos sumabog na sa galit ang kapitan.

“Sige po, Kap aayusin ko po.”


“Dapat noon mo pa ginawa ‘yan, sira ulo ka!”.


Nang umalis ang Kapitan ay tila nakahinga nang maluwag ang mga gumagawa ng parol. 


“Akala mo kung sino. Sa susunod na eleksyon ‘wag na talaga nating iboto ‘yan ha.”, ang sabi ng isang babae.

“Oo nga, ang kapal ng mukha. Kung alam n’yo lang kung saan napunta ang premyo noong nakaraang taon. Daang libo rin ‘yun ah. Ni hindi man lang natin naramdamang ‘tong barangay pala natin ang nag- champion.”, sabad ng isang lalaking inis na inis din sa kapitan.


Tahimik lamang si Oca na siyang nasigawan kanina. Patuloy lamang siya sa pagtanggal- kabit ng bumbilya ng parol at pag- aayos sa mga kable hanggang sa mapailaw niya ito. 


“Sa wakas. Salamat sa Diyos.”, isang buntong- hiningang may halong pasasalamat ang napakawalan niya nang maaayos niya ang lahat ng mga ilaw. 

Alas siyete na ng gabi nang makauwi ng bahay si Oca. Takang- takang siya dahil maaga pa subalit madilim na sa bahay nila. Iginala niya ang kanyang paningin sa mga kabahayan sa paligid, may ilaw naman sila. Hindi naman pala brownout. 

Bagaman tila alam na ni Oca ay nagtanong pa rin sa kanyang asawa nang makapasok siya sa kanilang tahanan. 

“O, bakit ang dilim? Wala ba tayong kuryente?” 

“Aba, ano bang aasahan mo!? Dalawang buwan na kaya tayong atrasdo sa pagbabayad ng kuryente!”, ang pasigaw na sagot ng kanyang asawang walong buwan ng buntis. 

May isa pang anak na lalaki si Oca, limang taong gulang na. Kasalukuyan itong kumakain ng kanin at nilutong instant noodles sa mesang kinalalagyan rin ng isang kandilang malapit ng maubos. Pawis na pawis na ang bata pati na rin ang misis niyang buntis pa. Panay ang paypay at punas ng bimpo.

“Gagawa ako ng paraan.”, ito na lamang ang nasabi ni Oca. 


“Hay! Puro ka na lang ganyan. Ang sabihin mo kasi batugan ka! Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo, Oca! Paano na lang kami ng mga anak mo!”, galit at tila maiiyak na ang babae. 

Lumabas ng bahay si Oca. Nang nasa may pintuan na siya ay tumingala siya sa langit. Tila nagdasal. Nagbaba siya ng tingin. Muling iniligid ang kanyang mga mata. Napako ang mga ito sa kuntador ng kanilang kuryente. Ilang minuto niya rin itong pinagmasdan. Napangiti siya. 

Ilang pukpok, ilang pihit, ilang tanggal, ilang kabit....

Biglang narinig ni Oca ang malakas na tinig ng kanyang anak na lalaki, 

“Yehey!!!! May ilaw na!!!!”



Disyembre, 23; Biyernes

 “Sige na ho, kunin n’yo na ‘tong singsing ko oh.”, sabi ni Minda habang pinipilit si Mrs. Saavedra na bilhin ang kanyang gintong wedding ring. 


“Ano ka ba, hindi ba wedding ring n’yo ‘yan ni Oca?”, ang sagot ng matandang babae. 


“Ayos lang ho ‘yun, alam na naman niya eh. At saka pang- Noche Buena lang po kasi namin. Sige na po, Ma’am.”

“Hindi ba peke ito?”, sabay kuha sa singsing.

“Hindi ho ah, mataas ang kilatis niyan.”

“Siya sige, kukunin ko. 500 ha.”


“Ano ho!? 500 lang!?”


“Ayaw mo? Di humanap ka na lang ng ibang bibili niyang peke mong singsing.”

“Eh...sige na nga ho.”


“Papayag ka rin pala eh. Ang dami mong arte. Ayan!”, sabay abot ng pera sa buntis na si Minda.

Si Mrs. Amanda Saavedra ang isa sa pinakamaykaya sa barangay Dolores. Ang bahay niya ang isa sa may pinakamaraming chistmas lights, mula loob hanggang sa hardin. Siya ang madalas na kuning Hermana Mayor tuwing fiesta. Palagian rin siyang kinukuhang ninang sa mga binyag at kumpil. Madalas din siyang maging sponsor ng kung anu- anong paliga at programa ng barangay. 


Para sa paskong ito, siya ang nakatokang sumama kay Kapitan sa bayan sa pagdadala ng lahok na parol sa Giant Lantern Festival sa bayan. Malaking pribilehiyo ito para sa kanya dahil may ambisyon din siyang kumandidato bilang kagawad sa susunod na halalang pambarangay. Kinailangan nga lang niyang maglabas ng medyo malaking halaga bilang kontribusyon sa paggawa ng dambuhalang parol. Siya na rin ang naatasang humanap at magbayad ng truck na magdadala ng parol sa bayan. Wala naman siyang angal dito.


“Basta, Kap ha, ‘yung parte ko sa cash prize ha. At saka ‘yung suporta mo sa akin sa eleksyon.”, ang nakangising sabi ng matandang babae sa Kapitan ng barangay. 


“Siyempre, ikaw pa.”, ang tugon naman ng Kapitan.    


Mansiyon na nga kung maituturing ang bahay ni Mrs. Saavedra sa Dolores. Dahil na rin siguro ang mga katabing bahay niya ay puro mabababa at yari sa kahoy. Bihira ang mga mararangyang bahay na yari sa graba at semento. Iila- ilan lang sila. 


Sa loob ng bahay ni Mrs. Saavedra ay makikita ang isang malaking piano, mga antigong palamuti, mamahaling sofa, salang naka- carpet, mga larawang gawa nina Amorsolo at BenCab, ilang mga piguring Lladro at mga kristal na chandelier. Kapansin- pansin ang larawan ng kanyang tatlong anak na babae na nakakuwadro. Ang isa ay tapos ng abogasiya, ang isa ay medisina at ang isa ay accountant sa isang malaking kompanya. Lahat ay nakapag- aral sa mga sikat na unibersidad sa Maynila. Makikita rin sa sala ang larawan nilang mag- asawa noong mismong araw ng kanilang kasal. Luma na subalit mababakas mo pa ang saya sa mga labi nila.

Umupo si Mrs. Saavedra sa sofa at saka nagbuklat ng isang magazine. Ilang saglit lang ay nag- ring ang telepono. 

“Ising......!!!!!!! ‘Yung telepono dali, sagutin mo!”, sigaw ng matandang babae. 

“Ay, opo, Ma’am teka lang po!”, patakbong tinungo ng katulong ang teleponong limang beses ng nagri- ring.  “Hello. Sino po sila?”

“Si Cathy ito, pakausap naman kay Mama.”

“Ma’am, si Ma’am Cathy raw po kausapin daw po kayo.”


“Akin na ‘yan. Sige na, umalis ka na at bumalik ka na dun sa ginagawa mo!”
Kinuha ni Mrs. Saavedra ang telepono. 


“Anak, kumusta ka na? Agahan n’yo ang dating bukas ha. Kayo ng mga bata. Pati si Ate Pat at si Ate Joan mo. Manggagaling lang ako sa bayan para sa contest dun sa giant lantern, tapos babalik ako agad dito para makapag- noche buena tayo. Marami tayong handa. Lahat masarap, espesyal lahat. Punta kayo ng maaga.”, tila naging maamong tupa ang matanda habang kausap ang bunso niyang anak sa kabilang linya. 


“’Yun nga, ‘Ma ang dahilan kaya ako napatawag. Hindi kami makakauwi ng Pampanga this year. Si Ate Pat, kailangan dun sa bahay ng in- laws niya, si Ate Joan next week pa ang balik galing Singapore, ako naman maraming kailangan gawin sa trabaho. Sorry, ‘Ma. Bawi kami sa’yo sa New Year kapag free ‘yung schedule namin. Sorry talaga.”


“Ah ganoon ba? Hindi ba pwede kahit saglit na saglit lang kayo rito?”

“’Ma, eto na naman tayo. Ang hirap kayang magbiyahe.Sorry talaga. Si Daddy nga pala, pabalaik na ng US next week kasama si Tita Malou.”

“Hay, ang bwisit mong Tatay!”

“Mabait si Tita Malou, ‘Ma, ano ka ba? Ok na sila ni Daddy, sana maging ok ka na rin. Sige na, ‘Ma. Masyado ng mahaba ‘tong usapan natin. Mahal na ‘yung babayaran ko, cellphone ang gamit ko eh. Sorry talaga ha. ‘Love you. Merry Christmas.” 

Biglang ibinaba ng bunso ni Mrs. Saavedra ang kabilang linya. Ni hindi lamang nagawang magpaalam nang maayos ng matanda sa anak.


“Merry Christmas din.”, ‘ang bulong ni Mrs. Saavedra sa sarili.


Disyembre, 24; Sabado

Ginaganap ang Giant Lantern Festival sa San Fernando, Pampanga sa huling Sabado ng Disyembre bago magpasko. Nagkataong tumapat ito sa bisperas ngayong taong ito kaya naman labis- labis ang pananabik ng mga tao. Inaasahan nilang mas magiging magarbo ang programa pati na rin ang mga kalahok na parol ng bawat barangay dahil mas mahaba ang panahon ng paghahanda. 


Damang- dama ang simoy ng Pasko buong paligid. Bukod sa mga tradisyunal na kakanin at pamaskong pagkaing nilalako sa paligid ay may makikita ring nagtitinda ng mga lobo, bola, torotot at iba pang laruan. Alas nueve ng gabi ang nakatakdang oras ng pagpapailaw ng mga higanteng parol. Dito na makikita at huhusgahan kung kaninong lahok ba ang pinakakaaya- aya, makulay at kaakit- akit. Habang lumalalim ang gabi ay patuloy sa pagkapal ang tao sa paligid. 

May sampung barangay ang lumahok ngayong taong ito. Walang tulak- kabigin sa mga parol dahil lahat naman talaga ay paboloso at magarbo. 

Dumating na ang takdang oras. Sinimulan ng pailawin ang mga dambuhalang parol. Hindi magkamayaw ang mga tao sa hiyawan at palakpakan. Sinasabayan pa ng napakalakas na musikang pamaskong disco na nagmumula sa mga malalaking speakers sa paligid. Patay- sindi ang mga bumbilya ng sampung kalahok na parol. Walang gustong magpaawat, lahat ayaw magpatalo. 

Subalit, sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang isa- isang di umilaw ang mga bumbilya ng parol ng barangay Dolores. Parang kandilang unti- unting nauupos. Napupunding isa- isa ang mga ilaw. 

“Aaaayyyyyyyyyyyy....sayang naman...”, malakas ang pinagsama- samang tinig ng mga manonood sa paligid. 

Ang parol ng barangay Dolores na kanina ay naghihingalo, tuluyan ng namaalam. May kawad daw na bumigay at di na kinaya pang padaluyan ng kuryente ang kabuuan ng higanteng parol.


Hindi na maipinta ang mukha ng Kapitan ng Barangay Dolores at ng isang matandang kanina pa nagpapaypay. Walang ibang emosyong mababanaag sa kanilang mga mukha kundi galit at labis na pagkamuhi. Matalim ang tingin na ipinukol nila sa lalaking nakatayo sa gilid na siyang nangangasiwa sa pagpapailaw sa parol. 


“Gago ka talaga, Oca akala ko maayos na ‘to!?”, ang sigaw ng kapitan sa lalaki. 

“Oo nga, ang laking pera ang nasayang diyan. Sitaulo ka!”, susog pa ng babaeng namamaypay. 

“Pasensiya na po. Sa kable po nagkaproblema eh.”, sagot ng electrician na si Oca. 

“May magagawa ba ang paghingi mo ng pasensiya!? Tanga ka!”, sigaw muli ng kapitan. 

Sa mga panahong iyon ay may ibang tao na ang nakapansin na tila may komosyong nangyayari. Dumarami na ang mga usisero at usisera subalit patuloy pa rin sa pagsigaw at pagsinghal ang kapitan at ang matandang babae. 

Hindi na umimik pa si Oca, kinuyom na lamang niya ang kanyang mga palad.   




Disyembre 25; Linggo ng umaga; Araw ng Pasko


Hindi muna magtitinda ng sampaguita si Bong ngayong umagang ito, Pasko naman. Sa halip, lumabas siya ng bahay 5:30 ng umaga para bumili ng pandesal na pagsasaluhan nilang mag- anak sa kanilang almusal maya- maya lang. Masaya si Bong. Pasipol- sipol pa habang naglalakad papunta sa pinakamalapit na bakery. 


“Merry Christmas, Bong! Bibili ka?”, ang sabi ng tindera.

“Oo, Ate. Trenta pesos na pandesal. ‘yung tostado ha. Merry Christmas din!”, ang sagot naman ng binatilyo.


“Ok, sandali lang ha.”

Tumalikod ang babae para kunin ang binibiling pandesal ni Bong. Hawak niya sa kanyang kamay ang 50 pesos na perang papel. Iniligid ni Bong ang kanyang mga mata sa kabuuan ng bakery. Napako ang mga ito sa isang lokal na diyaryong nakasabit, kahilera ng mga lalagyan ng kendi at sigarilyo. 


Ang nakalagay sa headline ng pahayagan:

MALIGAYANG PASKO!!!

Binasa pa niya ang ilan pang nakasulat. May mga balita tulad ng: 

BARANGAY SANTA LUCIA, BAGONG KAMPEON SA GIANT LANTERN FESTIVAL


PRESYO NG LANGIS MULING TATAS NG 50 SENTIMO KADA LITRO


ISANG LALAKING PRINCIPAL AT KALAGUYONG TITSER, PATAY SA ILANG TAMA 
NG BARIL. LEGAL NA MISIS, SUMUKO NA

ANO BA ANG SIKRETO NG LOVETEAM NINA GERALD AT KIM?

KAPITAN NG BARANGAY AT ISANG HERMANA, INUNDAYAN NG SAKSAK, PATAY. SUSPEK, PINAGHAHANAP PA.

Pagkatapos basahin ni Bong ang ilan sa mga nakasulat sa harap ng diyaryo ay muling bumalik ang mga mata niya sa headline... MALIGAYANG PASKO!!!


  








Thursday, November 1, 2012

Have Coffee With Me

I know that you already knew it
You must have heard it from someone else
Behind the walls, all over our floor
And it is beyond obvious
Perfect, loud and clear
That I am having a hard time.

Though we are both past our teen years
And adolescence has long been over
Trust me, this is as tormenting as asking a high school prom date.

Seeing and feeling you walk in front, beside and even behind me makes me nervous
Your scent leaves this certain magic in the air
Casting a spell on me, on everyone else
Longing for more, more of you.
Those occasional glances you throw
Give me chills.
Hearing your voice makes my heart skip a beat  
My logic gets twisted everytime you start talking
Because every word that you utter is a hymn

You see
Your mere presence unsettles me  
but in a good way.

I am not really that good with this
But Darling, let me tell you one thing
The night sky is way brighter now that you are here.
I just have one question
Would you like to have coffee with me? (Please) . :)



Tuesday, October 30, 2012

Put It In Writing

***Ang aking unang English na tula. :D

If it’s sadness
Grief
Sorrow
Distress
Melancholy
Or heartbreak
You’re feeling right now
Put it writing.

Whether it’s happiness
Satisfaction
Contentment
Delight
Euphoria
And enchantment
You're experiencing today
‘Better to put it in writing.

Your fondness
Infatuation
Admiration
Affection
Desire
Love
To a certain individual
Believe me
Put it in writing.

‘Rules are simple
Learn
And bend some.
As vast as the universe and the oceans
So are the words around you
Around me.
Play with them
Put them together,
Tear them apart
Create, destroy, build
If it’s your emotions
If it’s your emotionlessness
Get a paper
Grab a pen
Put it in writing.