Learning the art of doing the first move
and moving beyond flirting is indeed confusing. :l
Manileño. Pilipino. Taxpayer! Mga Tula, Kwento, Kalokohan at Pagmumuni- muni ni Placido Penitente
Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus
Tuesday, October 30, 2012
The Princess Diaries
Courage is not the absence of fear,
but rather the judgment that
something is more important than fear.
The brave may not live forever,
but the cautious do not live at all.
but the cautious do not live at all.
- The Princess Diaries (2001)
Saturday, October 13, 2012
Single blessedness
Hindi porke't mag- isa, malungkot na. May ibang tao nga, napapaligiran na ng pamilya at mga kaibigan pero malungkot pa rin sila.
*** :D
TANONG LANG NAMAN
Alam mo ba 'yung feeling na di ka pinapansin nung crush mo? :l
***Ang lakas maka- high school. Katorse? :D
Mula na naman sa The Little Prince
"One must command from each what each can perform." ,the king went on.
"Authority is based first of all upon reason. If you command your subjects to jump into the ocean, there will be a revolution. I am entitled to command obedience because my orders are reasonable."
- Antoine de Saint-Exupéry

- Antoine de Saint-Exupéry
Marlit's Random Thoughts
"Hindi lahat ng nagpapasaya sa'yo tama, at hindi lahat ng nagpapaiyak sa'yo mali. "
"Paano ka sasaya kung lagi kang
nagkukumpara."
- Marlit Estorninos
"Paano ka sasaya kung lagi kang
nagkukumpara."
"At dahil naihantulad na din ni Sir JC Val ito sa sports, parang basketball lang yan. Nasa harap mo na ung bola, di mo pa ba kukunin? Hahayaan mo pa bang makuha ng iba ung dapat at sana eh sa'yo na? Walang mangyayari kung tititigan mo lang Minsan kelangan mo kumilos.:
Don't let the fear of rejection get in the way."
Don't let the fear of rejection get in the way."
- Marlit Estorninos
Sunday, September 30, 2012
Sabihin mo Lang
Ang gusto mo ba ‘yung mukhang artista?
‘Yung maganda ang katawan, matangkad at maporma?
‘Yung sa bawat paglakad maraming matang sumusunod?
Paniwalaan mo ko, mahihirapan ka.
Baka magkaroon ka pa ng maraming kaagaw
Kung mayroon mang ganoong lalaki,
Pipila ka pa nang mahaba.
Pipila ka pa nang mahaba.
Pare- pareho lang naman, di ba?
Kasi lahat ng tao talagang “may itsura”.
Kaya ko rin namang maligo, magpagupit at mag- ahit.
Sabihin mo lang, sabihin mo lang.
Matalino ba kamo ang hanap mo?
‘Yung tipong kumakain ng libro
Sa umaga, tanghali at sa gabi.
Sa umaga, tanghali at sa gabi.
‘Yung parang laging makikipagdebate.
Na ang akala niya kaya niyang
Paikutin ang mundo sa mga palad niya.
Na ang akala niya kaya niyang
Paikutin ang mundo sa mga palad niya.
Na para bang siya lang ang sentro,
Ang alpha at ang omega.
Ang alpha at ang omega.
Baka hindi kayo maging masaya.
Hindi ‘yun magpapatalo sa mga argumento.
Baka maramdaman mo lang
Na mababang uring nilalang ka.
Na mababang uring nilalang ka.
Sapat na ‘yung may sapat na dunong
Mas maigi rin kung magaling dumiskarte
Pero kakayanin ko rin namang mag- aral ulit
Sabihin mo lang, sabihin mo lang.
Mabait ba dapat?
Palangiti, palabati at masayahin.
Kasi nga ayaw mong lagi kayong mag-aaway.
Hindi ka sanay sa hiyawan at sigawan.
Naririndi ka sa masyadong maraming usapan.
Pero hindi ka naman siguro
Naghahanap ng anghel o ng santo, di ba?
Naghahanap ng anghel o ng santo, di ba?
At wala ka rin naman sigurong balak magmahal ng pari?
May sasabihin ako sa’yo,
Hindi rin maganda ‘yung sobrang matino.
Kasama sa buhay ang kaunting pagkakamali
Bahagi ng bawat tao ang kanyang
kapintasan.
Mas mainam kung sa bawat pagtatalong mangyayari, mapapatawad n’yo ang
isa’t isa
Dahil may pagmamahal, pang- unawa at pagtanggap na.
Nakakainip din ang labis na katahimikan
Minsan kailangan talaga ng kahit kaunting gulo
At may mga pagkakamaling madadaan sa pagtawa.
Pero...kaya ko namang ayusin ang ugali ko.
Sasamahan din kita laging magsimba.
Sabihin mo lang ha, sabihin mo lang.
Walang problema sa paghihintay
Sa’yo, sa desisyon mo.
Hindi naman masama ang mag- abang pansamantala.
Hindi rin kita pwedeng sisihin
Ako naman ang pumili nito
Kahit hindi ko pinangarap maging gwardiya at magbantay
Hindi ako nagrereklamo
Pero sana hindi rin ganoon katagal
At huwag sanang maging magulo at
malabo
Alam nating nakakatuwa ang maghabulan
Pero huwag naman nating gawin ‘ to sa maghapon
Magsabi ka ha
Kung itutuloy pa o titigil na.
Mahirap din ‘yung panay iling, tango at ngiti ka lang.
Kung ayawan na, ihihinto natin ang larong ito.
Basta sabihin mo lang, sabihin mo lang.
Subscribe to:
Posts (Atom)