Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Sunday, May 6, 2012

My Coffee Cup Moment


Noon kapag tinatanong ako ng kahera sa coffee shop kung anong ilalagay na pangalan sa cup, dalawa lang ang pinagpipilian ko: Romano o kaya "Armando". 



Pero kanina sa isang coffee shop sa Las Piñas:




Kahera: Sir, name po...? 




Ako: _ _ _ 






***Ibang pangalan na ang ibinigay ko sa kahera. 




***Salamat sa Diyos. :D

Las Piñas Fiesta! D

Pumunta ako kasama si  Jeniffer sa Las Piñas para makita lang sana ang Bamboo organ at maki- fiesta. Pero natuwa ako kasi nandoon pala si Sir Ramoncito Onia kaya nakipagkita na rin kami sa kanya. 








Saturday, May 5, 2012

Summer Song


Nag- enjoy ako sa outing sa Palauig, Zambales kasama ang aking mga katrabaho at kaibigan sa GE Department. Mas masaya sana kung nandun si Amleth Lyn pero ok lang, Mrs. Guerrero na siya ngayon. :)

Nakakatuwa rin dahil kahit wala sa plano at kahit talagang hindi ko inasahan eh nakapunta ako sa Anawangin Cove. Akalain mo 'yun! :D

Maraming salamat sa mab
uting pagtanggap sa amin Ma'am 

Girlie. Sa uulitin ha! :D
Papuntang Anawangin












 
 

Sunday, April 29, 2012

Pagliliwaliw sa Laguna. :)


Maraming salamat sa mabuting pagtanggap sa amin ni Jeniffer sa iyong kaharian at pagsama sa aming paggala. Sa uulitin. 

Edwin Callueng Buraga--- Diwata ng Cabuyao, Laguna. :D























Nakapunta na rin ako sa bahay ni Rizal! :D 

Thursday, April 26, 2012

PARA SA'YO ADRIAN


Pagmasdan mo 
Ang ngiti sa kanyang mga labi
Na sinliwanag ng araw sa katanghaliang tapat
Ngunit parang hanging amihan ng Disyembre ang dulot sa'yo
Pakinggan mo ang mahinhin niyang pagtawa
At hindi mo pagdududahan ang labis niyang saya

Tignan mo 
Hawak na niya ang mga bulaklak
Isa- isa niya pang inamoy
Habang patuloy pa rin siya sa paghagikgik

Sa bawat pilantik ng kanyang pilik- mata
Sa bawat taas ng kanyang hintuturo
Sa bawat paling ng kanyang leeg
Sa kanan man o sa kaliwa
Sa bawat hawi niya ng kanyang buhok
Nakaabang ka

Nakatitig ka pa rin, di natitinag
Sa wakas
Tumingin na siya sa direksyon mo
Kinabahan ka. 
Subalit napako ang kanyang mga mata 
Sa mga punong nasa likuran mo. 
Nagbago ang kanyang itsura
Nawala ang ngiti
Natigilan, bumuntong- hininga. 
Humarap siya sa lalaking kanina pa niya kausap
Hinawakan ang kamay nito
At lumakad silang palayo
Palayo sa'yo. 

Hindi ka ba niya nakitang nakamasid at nagdurusa?
O, hindi mo ba sila nakitang magkasama at masaya?
Siya ba ang walang- puso at walang konsiderasyon?
O, sadyang mapilit ka lang at nabubuhay sa ilusyon?

Maglakad ka rin, bilisan mo
Patungo sa ibang direksyon
Bumagtas ka ng bagong daan
Tumakbo ka rin palayo.
Isipin mong mahabang- mahaba pa
Ang lalakbayin mong landas
At sa tagal noon
Sa haba pa ng mga panahon
Imposibleng wala kang bagong pag- ibig na makakasalubong.
:D


****Sa Valentine's Day Presentation ng Kapuso Mo, Jessica Soho (Feb 2012) ay ipinalabas ang kwento ni Adrian Benipayo. Hindi ko siya kilala. Hehehe. Pero nakakatuwang gawan ng tula ang "pakikipagsapalaran" niya. :)   


Wednesday, April 25, 2012

Tula para sa Spanish Class Ni Ma'am A. :)



KAUTUSAN


PINAGPALA.
Ang lupaing ito na  puno ng iba’t ibang yaman
Na mula sa pagsikat ng araw sa silangan
Hanggang sa paglubog sa kanluran
Ay kanyang namamasdan.

KAAYA- AYA.
Ang mga karagatang nasa paligid nito
Na may matingkad na asul at kristal na tubig
Na marahang pinakikilos ng hanging amihan
Kaya patuloy ang pagsasayaw ng mga alon
At paghalik sa dalampasigan

MABIYAYA.
Ang mga puno at halaman na ‘yong mamamasdan
Na sa madaling- araw pa lamang ay dinidilig na ng Hamog
Binabantayan ng liwanag ng umaga
At tinatanglawan ng mga bituin at buwan sa gabi.

MATIYAGA.
Ang mga hayop na pagala- gala.
Malayang naglalakbay sa kaparangan at sa mga kagubatan.
Pilit na nakikibaka sa hamon ng kanilang kapaligiran

TAO---
Alam mo bang ikaw ay labis na PINAGPALA?
KAAYA- AYA ang paligid mo
MABIYAYA  ang lahat ng mga yamang likas
Kaya ang dapat mo na lamang gawin ay magsipag at
MAGTIYAGA. 



LEYES


Bendito.
Una tierra llena de diversos recursos
Desde el amanecer hasta el este
Hasta hundirse en el oeste
Es que he aquí.

Placentero.
Las aguas alrededor de él en
Con el agua azul intenso y cristal
Suave brisa que mueve el viento
Así continúa el baile de las olas
Y los besos en la playa

Lleno de gracia.
Los árboles y he aquí las plantas yong
Esa madrugada había regado sólo de Niebla
Supervisado por la luz de la mañana
Y guiados por las estrellas y la luna en la noche.

Los pacientes.
Los animales callejeros.
Independiente por el desierto y los bosques.
Obligados a luchar con los desafíos de su entorno

--- LAS PERSONAS
¿Sabía usted que son muy favorecida!
Agradable a tu alrededor
Gracia de todos los recursos naturales
Por lo que debe hacer es meditar y
Perseverar.