Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Thursday, April 26, 2012

PARA SA'YO ADRIAN


Pagmasdan mo 
Ang ngiti sa kanyang mga labi
Na sinliwanag ng araw sa katanghaliang tapat
Ngunit parang hanging amihan ng Disyembre ang dulot sa'yo
Pakinggan mo ang mahinhin niyang pagtawa
At hindi mo pagdududahan ang labis niyang saya

Tignan mo 
Hawak na niya ang mga bulaklak
Isa- isa niya pang inamoy
Habang patuloy pa rin siya sa paghagikgik

Sa bawat pilantik ng kanyang pilik- mata
Sa bawat taas ng kanyang hintuturo
Sa bawat paling ng kanyang leeg
Sa kanan man o sa kaliwa
Sa bawat hawi niya ng kanyang buhok
Nakaabang ka

Nakatitig ka pa rin, di natitinag
Sa wakas
Tumingin na siya sa direksyon mo
Kinabahan ka. 
Subalit napako ang kanyang mga mata 
Sa mga punong nasa likuran mo. 
Nagbago ang kanyang itsura
Nawala ang ngiti
Natigilan, bumuntong- hininga. 
Humarap siya sa lalaking kanina pa niya kausap
Hinawakan ang kamay nito
At lumakad silang palayo
Palayo sa'yo. 

Hindi ka ba niya nakitang nakamasid at nagdurusa?
O, hindi mo ba sila nakitang magkasama at masaya?
Siya ba ang walang- puso at walang konsiderasyon?
O, sadyang mapilit ka lang at nabubuhay sa ilusyon?

Maglakad ka rin, bilisan mo
Patungo sa ibang direksyon
Bumagtas ka ng bagong daan
Tumakbo ka rin palayo.
Isipin mong mahabang- mahaba pa
Ang lalakbayin mong landas
At sa tagal noon
Sa haba pa ng mga panahon
Imposibleng wala kang bagong pag- ibig na makakasalubong.
:D


****Sa Valentine's Day Presentation ng Kapuso Mo, Jessica Soho (Feb 2012) ay ipinalabas ang kwento ni Adrian Benipayo. Hindi ko siya kilala. Hehehe. Pero nakakatuwang gawan ng tula ang "pakikipagsapalaran" niya. :)   


No comments: