Hindi na sana ako gumawa pa ng ganitong tula.
Mahirap din kasi ang may kaaway.
:l
Ikaw na isang alipin
Nahihibang ka na ba?
Tila sinaniban ka ng masamang espirito.
Napakalas ng loob mo.
Lumalakad ka nang nakataas ang noo
Tinatapakan mo ang kahit sino.
Nilalabanan mo ang lahat
Na para bang isa kang Mandirigma.
Hindi ka na talaga nahiya.
Nagmamando ka
At inuutusan mo ang kapwa mo mga alipin
Ang ulo mo ba’y napupuno na ng hangin?
Alipin,
Nagpapanggap kang magaling
Nililinlang mo ang lahat ng mabulaklak mong dila
Nilalansi mo sila ng mababangong salita.
Ipinamamarali mong ikaw ay edukado.
Ipinaaalala ko sa’yo
Hindi ganap ang karapatan mo
May katapat na halaga ang kalayaan
Salaping kailanma’y di mo mababayaran
Hindi ka isang Timawa
Alipin ka.
Nais mo bang akin pang ulitin?
Kahit maligo at maghugas ka, alipin ka pa rin.
Kahit magpagupit ka at magsuklay, alipin ka pa rin.
Kahit makakain ka ng tatlong beses sa isang araw o higit pa,
Mananali ka pa ring alipin.
Magbihis ka man nang magara,
Malalaman at mababatid pa rin nilang alipin ka.
Pagurin mo man ang sarili mo sa pagtatrabaho sa umaga’t sa gabi,
Walang magbabago, alipin ka pa rin sa ‘yong paggising.
Nagkaroon ka lang ng kaunting kaalaman sa sining, agham at mga batas,
Iniisip mo ng mahusay ka?
Huwag kang magpantasya
Alipin ka.
Alipin, huwag mong ipagmalaking mas magaling ka sa kanila.
Ihinto mo ang pag- astang May kaya.
Huwag mong ipagyabang na natatangi ka.
Hindi mo kayang iligtas ang mga kapwa mo alipin sa kanilang kaalipinan
Habang tinutuya at tinatapakan mo rin sila.
Wala kang karapatang mamuno sa kapwa mo
Kung ang asal at kilos mo'y masahol pa sa aso.
Hindi ka pinagpala, tulad ka lang ng iba
Utusan at alila.
Alipin ka.
Itigil mo ang ilusyong
Ang lahat ng uod ay nagiging magandang paruparo.
Di ito isang panaginip
Tigilan mo ang pangangarap
Hindi ka isang Maharlika.
Maging Sagigilid o Namamahay ka pa
Wala namang pinagkaiba
Alipin ka.
Alipin ka!
Manileño. Pilipino. Taxpayer! Mga Tula, Kwento, Kalokohan at Pagmumuni- muni ni Placido Penitente
Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus
Sunday, May 19, 2013
Sunday, May 12, 2013
Ang Sabi ng Nanay ko
Huwag daw akong maging palasagot na bata
Hindi naman daw kasi ako abogado.
Ang dami- dami ko raw laging sinasabi
Madalas, wala naman sa katwiran.
Salita lang daw ako nang salita
Pero kulang naman ako sa gawa.
Di raw bagay sa akin ang maging maarte
Di naman kasi kami mayaman.
Huwag daw akong masyadong pihikan sa pagkain
Matuto raw akong kainin kung ano lang ang nakahain.
Sabi niya, walang mararating ang taong tamad.
Tulungan ko raw ang aking sarili.
Huwag maging masyadong palaasa sa kapwa
Matutong kumilos at magsimula.
Magandang maging isang mabuting tagasunod
Subalit higit na mainam kung pagsikapan kong
Maging isang makataong tagapamuno.
Bilin niya, matuto raw akong makinig
Ihanda ko raw ang aking mga tainga sa suhestiyon ng iba.
Pero siguraduhin ko raw na dapat pakinggan din nila ako
Dapat marinig nila ang aking tinig
Sa magalang na paraan, dapat nilang malamang may opinyon din ako.
Maging mabait daw ako
Subalit huwag na huwag maging uto- uto
Sinabi niyang napakalaki ng pagkakaiba ng dalawa
Pwede kong gawin ang una at balewalain ang pangalawa.
Dapat lang na maging mabuti akong tao
Subalit di ko raw dapat laging sundin ang utos ng kapwa ko.
Matuto raw akong magpatawad
Hindi magandang mabuhay na puno ng sama ng loob
Hindi ginawa ng Diyos ang bawat umaga
Para lang magreklmo, mainis at magalit ako
Mabigat sa dibdib ang may kinikimkim na galit
Wala raw natutulong ang labis na pag- iisip.
Sabi ng Nanay ko, sikapin ko raw na ugaliing magpasalamat.
Sa Diyos, sa pamilya, sa kaibigan...sa lahat.
Sabi niya, ipagpasalamat ko rin kahit na ang pagkabigo
Dahil nabigyan pa rin naman daw ako ng pagkakataon
At di ako sumuko
Higit sa pagtuturo ng kabutihan,
Ng kabaitan,
At ng pagiging masunurin--
Ang kalakasan,
Katatagan ng loob
At pagkakaroon ng tiwala sa sarili
Ang labis kong ipinagpapasalamat.
Sabi ng Nanay ko, napakaswerte niya dahil naging anak niya kami.
Sabi ko, oo naman, walang duda.
Pero mas pinagpala kami dahil siya ang Nanay namin.
Sobra.

Monday, May 6, 2013
'Matic yata 'yun
Tulad ng pagpasok sa mga horror house sa mga carnival o theme parks kung saan matatakot, magugulat at kikilabutan ka pa rin kahit alam mo namang fake lang ang lahat ng maligno at halimaw na nandun...mangingiti, matutuwa at kikiligin ka pa rin sa taong gusto mo kahit alam mo namang fake rin ang effort niya.
'Matic yata 'yun. :D
Sunday, May 5, 2013
May Nagtanong
May nagtanong:
"Siya" : Bakit kaya sila nagagalit sa akin?
Ako: Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo ha...pero kung si Jesus Christ nga may mga nagalit pa sa kanya noon eh, si Jesus na 'yun ha. Kaya malamang may maiinis o magagalit talaga sa'yo kahit hindi mo pa alam kung anong dahilan.
***depende na lang 'yan sa katatagan ng loob at sa pagtanggap/ pagsangga. :)

Wednesday, May 1, 2013
MUSINGS OF A POWER TRIPPER
***Pangsiyam ko ng English poem ito. :D
These are my new and improved, one-of-a-kind rules...for now.
These are my new and improved rules:
I will require all of them to wear a uniform.
(I will provide the materials for now
but I am going to deduct the payment from their salary,
of course.)
Wearing of the Identification card will be mandatory.
(Replacement for a lost card will cost 150 pesos.
Genius.)
Proper haircut for male employees will be observed.
(I will ask my secretary to put this in writing.
Great.)
A minute late will equate to thirty;
One thing more, thirty- one to fifty- nine minutes will be equal to an hour.
(Computation for the monetary deduction will be simpler;
chances of having a “bigger collection” is higher.
Amazing.)
Personal usage of company properties
like bond paper, ink, rubber bands, et cetera, et cetera,will be strictly prohibited.
(To avoid overspending, supplies will be closely monitored by my supervisors.
Good. Good.)
Benefits like bonuses, performance incentives and paid leaves
will be for the regular employees only.
(Hmmm...since most of them are contractual,
I will just terminate and re- hire them right after.
Or better yet, get another worker.
No one is indispensable, after all.)
My words are sacred.
I am the captain of this ship.
I helped built this company from scratch.
And I practically own everything here.
I know that they have no other option
But to follow.
And there is no way I will let anyone disobey me.
These are my new and improved, one-of-a-kind rules...for now.
Brilliant.
I will probably add more later.
Subscribe to:
Posts (Atom)