sa pag- upo niya
SA PAGLAPIT MO
sa kanyang pagmamasid
SA DAGLIAN MONG PAGTABI
isang ngiti.
ISANG LIBO'T ISANG PAG- ASA ANG HATID
niya
SA IYO
tahimik lang.
KINAKABAHAN.
nagsimula siyang umawit ng masayang himig.
LALO KANG NATORETE
pabulong lang subalit may lambing ang bawat letra.
MAY GUSTO KANG SABIHIN PERO DI MO KAYANG SIMULAN.
sunod- sunod ang pagbaba't pagtaas ng kanyang tinig
DI MAPIGIL ANG KABOG SA DIBDIB MO.
umihip ang hangin, nilamig kaya dumikit sa'yo.
UMINIT ANG PALIGID, PINAGPAWISAN KA NA.
naglapat ang mga balat, dumaiti ang siko.
NASAGI ANG DAMDAMIN, NASAPUL ANG PUSO.
sa wakas.
MABUTI NAMAN.
muling nagkatinginan.
NAGKATITIGAN.
malamang ay siya na nga.
MUKHANG MAY POSIBILIDAD NAMAN.
swerte.
AYOS.
pero ang mabagal.
ANG HIRAP KASI, TUMATAGAL.
naguguluhan na.
LITONG- LITO PA.
ano ba talaga? lokohan ba ito?
SANDALI PA, ILANG MINUTO PA.
tumayo at mabilis na naglakad palayo
NAIWAN AT NANGHIHINAYANG
mag- isa.
UMAASA
No comments:
Post a Comment