Ok lang maging maarte, 'wag ka lang masanay na laging mag- inarte. Magkaiba kasi 'yun. :l
Manileño. Pilipino. Taxpayer! Mga Tula, Kwento, Kalokohan at Pagmumuni- muni ni Placido Penitente
Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus
Saturday, December 29, 2012
Hindi Lahat Nakukuha sa Pakiramdaman
sa pag- upo niya
SA PAGLAPIT MO
sa kanyang pagmamasid
SA DAGLIAN MONG PAGTABI
isang ngiti.
ISANG LIBO'T ISANG PAG- ASA ANG HATID
niya
SA IYO
tahimik lang.
KINAKABAHAN.
nagsimula siyang umawit ng masayang himig.
LALO KANG NATORETE
pabulong lang subalit may lambing ang bawat letra.
MAY GUSTO KANG SABIHIN PERO DI MO KAYANG SIMULAN.
sunod- sunod ang pagbaba't pagtaas ng kanyang tinig
DI MAPIGIL ANG KABOG SA DIBDIB MO.
umihip ang hangin, nilamig kaya dumikit sa'yo.
UMINIT ANG PALIGID, PINAGPAWISAN KA NA.
naglapat ang mga balat, dumaiti ang siko.
NASAGI ANG DAMDAMIN, NASAPUL ANG PUSO.
sa wakas.
MABUTI NAMAN.
muling nagkatinginan.
NAGKATITIGAN.
malamang ay siya na nga.
MUKHANG MAY POSIBILIDAD NAMAN.
swerte.
AYOS.
pero ang mabagal.
ANG HIRAP KASI, TUMATAGAL.
naguguluhan na.
LITONG- LITO PA.
ano ba talaga? lokohan ba ito?
SANDALI PA, ILANG MINUTO PA.
tumayo at mabilis na naglakad palayo
NAIWAN AT NANGHIHINAYANG
mag- isa.
UMAASA

Kung ang Tulad mo ay Isang Ipis
Malamang walang magtatangkang lumapit sa’yo
Ni ang tignan ka ay di nila magagawa
Sa layong sampung metro maririnig mo na ang mga hiyaw
Ang yabag ng mga paang palayo
Ang mga tili na may halong pandididri
Lumilipad ka nga
Pero di mo naman alam kung saan ka ba talaga papunta.
Patuloy ka lang na dadapo sa mga tirang pagkain
Makikiamot sa mga pusa, aso at daga
Pepestehen mo ang lahat ng mga bagay sa paligid
Magdadala ka ng mikrobyo
Magsasabog ka ng dumi
Araw- gabi mong iikutin ang buong kabahayan
Gagapang- lilipad ka sa sahig, pader at kisame
Pero mas pipiliin mong lumagi sa basurahan
Dahil alam mong doon talaga ang ‘yong tahanan
Subalit alam mo kung ano ang nakakainis
Hindi ka naman ipis
Tao ka
Taong may ugaling higit pa sa isang insekto
Masahol ka pa sa ahas kung umatake nang patalikod
Mas matindi ka pa sa hunyango kung magpanggap na santo
Isa kang linta na sumisipsip ng enerhiya at lakas ng kapwa mo
Para kang leon o tigre na kayang kainin nang buong- buo ang kanyang kasama
Wala kang pinagkaiba sa isang buwaya
Baboy kang patuloy na nagkakalat at dumurumi sa sarili mong kural
At aso kang may talentong kainin muli ang pagkaing naisuka mo na.
Pero kung magkataong ipis ka ngang talaga
At tao ako
Isa lang naman ang katapat mo
Hihintayin ko lang ang ‘yong pagdating
Lagi akong magbabantay
Hinding- hindi kita tatakbuhan
Wala kang makikitang takot
Hindi ka makakarinig ng sigaw
Sa minsan mong pagtigil
Tityempuhan kitang talaga
Buong lakas kong ipapalo ang tsinelas ko sa’yo
Hahampasin kita nang paulit- ulit
Dudurugin kita hanggang sa malumpo ka
At alam mo kung ano ang higit na nakakatawa
Habang pinapatay kita
Ang mga tao sa paligid ko
Pumapalakpak at masaya
Ngunit napaisip ulit ako
Ipis ka lang
At tao nga ako
Mananatili kang isang mababang- uring nilalang
Na ang tanging gamit ay pambalanse lang sa kalikasan
Wala ka naman talagang silbi kung tutuusin
At di rin naman ganoon kalaki ang epekto mo sa amin
Hahayaan na lang kitang umalis
Hindi ka naman kabawasan
Ipagpasalamat mo na lang ang buhay mo
Dahil bali- baligtarin mo man ang mundo
Hindi magiging magkapantay ang insekto at tao

Let Them. :D
Hindi mo talaga magagawang punuan ang lahat ng pagkukulang ng kapwa mo dahil ikaw mismo ay may sariling problemang kailangang asikasuhin at bigyang- pansin. Minsan, kailangan mo silang hayaang tumayo sa sarili nilang mga paa.
Bakit Ganun? :l
Nakakatuwang malaman na human nature pala talaga ng (karamihan sa) bawat isa ang mag - move-on.
Pero paano kung 'yung bagong taong dahilan kung bakit ka nakapag- move- on ay katulad din o mas "magulo" pa doon sa sinundan niya?
***Minsan, may mga kakaibang trip ang universe eh. Nakakatawa.
Dense...
Kahit anong effort pa ang ibigay mo kung hindi ka naman mahalaga sa kanya, hindi niya 'yun makikita.
Subscribe to:
Posts (Atom)