Mga Aral ni Gregoria de Jesus sa mga Kabataan:
1.Igalang at mahalin ang magulang pagka’t ito ang pangalawang Dios sa lupa.
2.Alalahanin tuwina ang mga banal na aral ng mga bayani na nasawi dahil sa pag-ibig sa bayan.
3.Huwag mag-aksaya ng panahon nang di pamarisan.
4.Pagsikapang magkaroon ng anumang karunungan na tumutugon sa kanyang hilig upang pakinabangan ng bayan.
5.Ang kabaitan ay alalahaning isang malaking kayamanan.
6.Igalang ang mga gurong nagpapamulat ng isip pagka’t kung utang sa magulang ang pagiging tao ay utang naman sa nagturo ang pagpapakatao.
7.Iligtas ang api sa panganib.
8.Matakot sa kasaysayan pagka’t walang lihim na di nahahayag.
9.Kapag napagingatan ang kasamaan ay doon manggagaling ang malaking karangalan.
10.Sikapin ang ikapagkakaisa ng lahat at ikauunlad ng bayan upang huwag magkaroon ng sagabal ang kasarinlan.
No comments:
Post a Comment