Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Friday, June 15, 2012

Nakatingin sa Bituin ni Jose F. Lacaba


Di naman panay dilim
ang gabing walang buwan
pagkat maraming bituin
akong nakita noon,
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.
Mga hiyas sa langit
(‘ka nga),nagkikisalapan,
wala ni isang pangit,
wala akong makita
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.
Di ko tuloy napansin
ang dinadaanan,
kalsadang walang ningning,
pagkat talagang abala
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.
Nasalpok ko tuloy,nasalpok ng isang paa,
ang isang tambak ng
taeng-kalabaw sa daan:
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.
Santambak na kumalat
sa kalsada’t paa ko,
paalala ng lupa
na paa’y nakatapak
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.

1 comment:

Ka Pete said...

Dalawang linya dapat ito:

Nasalpok ko tuloy,
nasalpok ng isang paa,

Sana nagpaalam ka muna bago mo nireprint ang aking tula, para nakorek natin ang parteng ito. ;-)


http://kapetesapatalim.blogspot.com/