Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Friday, June 15, 2012

Ang Wika




Ang wika ay bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas na ginagamit upang maipahayag ang nais sabihin ng isip.


Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga hangarin sa pamamagitan ng isang paglikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas at sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Mga Katangian ng Wika: 

1.ang wika ay sistematiko.
2.ito ay sinasalitang tunog
3.ito ay ginamitan ng paraang arbitraryo.
4.ito ay nakabuhol sa kultura.
5.ito ay may balangkas.
6.ito ay may antas.
7.ito ay pantao.
8.ito ay simbolo.
9.ito ay ginagamit sa komunikasyon.
10.ito ay tumutulong sa kaunlarang pangteknolohiya.

Nakatingin sa Bituin ni Jose F. Lacaba


Di naman panay dilim
ang gabing walang buwan
pagkat maraming bituin
akong nakita noon,
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.
Mga hiyas sa langit
(‘ka nga),nagkikisalapan,
wala ni isang pangit,
wala akong makita
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.
Di ko tuloy napansin
ang dinadaanan,
kalsadang walang ningning,
pagkat talagang abala
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.
Nasalpok ko tuloy,nasalpok ng isang paa,
ang isang tambak ng
taeng-kalabaw sa daan:
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.
Santambak na kumalat
sa kalsada’t paa ko,
paalala ng lupa
na paa’y nakatapak
paglakad sa lansangan,
nakatingin sa bituin.

Tuesday, June 12, 2012

Para sa "Malayang Pinoy"

Mga Aral ni Gregoria de Jesus sa mga Kabataan:

1.Igalang at mahalin ang magulang pagka’t ito ang pangalawang Dios sa lupa.
2.Alalahanin tuwina ang mga banal na aral ng mga bayani na nasawi dahil sa pag-ibig sa bayan.
3.Huwag mag-aksaya ng panahon nang di pamarisan.
4.Pagsikapang magkaroon ng anumang karunungan na tumutugon sa kanyang hilig upang pakinabangan ng bayan.
5.Ang kabaitan ay alalahaning isang malaking kayamanan.
6.Igalang ang mga gurong nagpapamulat ng isip pagka’t kung utang sa magulang ang pagiging tao ay utang naman sa nagturo ang pagpapakatao.
7.Iligtas ang api sa panganib.
8.Matakot sa kasaysayan pagka’t walang lihim na di nahahayag.
9.Kapag napagingatan ang kasamaan ay doon manggagaling ang malaking karangalan.
10.Sikapin ang ikapagkakaisa ng lahat at ikauunlad ng bayan upang huwag magkaroon ng sagabal ang kasarinlan.



Saturday, June 9, 2012

:)

‎"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other, but in looking outward together in the same direction."
-Antoine de Saint-Exupery



Aral, aral din. :)

Enrolled. 

***Karamihan pala ng "may itsura" nasa MBA (Business Ad) at MS Engineering programs. Hmmmmmm. — with Eilasor Nievera Rivera.

It's Not That Complicated

"Yung mga hayop, kapag may hindi mapagkasunduan, wala nang bulung- bulungan o parinigan, upakan at banatan na agad. 
Pero iba ang tao, naku, pinauso ng tao ang parinig , pasaring at patutsada. Dahil insecure ang mga tao sa kani- kanilang mga sarili, dapat may iba pang mga tao na tuld niya ay insecure din. "


-mula sa librong It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Alien Ang Daigdig sa 2012 ni Eros Atalia


***Mabalasik. Mabangis! :D