Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Sunday, April 29, 2012

Pagliliwaliw sa Laguna. :)


Maraming salamat sa mabuting pagtanggap sa amin ni Jeniffer sa iyong kaharian at pagsama sa aming paggala. Sa uulitin. 

Edwin Callueng Buraga--- Diwata ng Cabuyao, Laguna. :D























Nakapunta na rin ako sa bahay ni Rizal! :D 

Thursday, April 26, 2012

PARA SA'YO ADRIAN


Pagmasdan mo 
Ang ngiti sa kanyang mga labi
Na sinliwanag ng araw sa katanghaliang tapat
Ngunit parang hanging amihan ng Disyembre ang dulot sa'yo
Pakinggan mo ang mahinhin niyang pagtawa
At hindi mo pagdududahan ang labis niyang saya

Tignan mo 
Hawak na niya ang mga bulaklak
Isa- isa niya pang inamoy
Habang patuloy pa rin siya sa paghagikgik

Sa bawat pilantik ng kanyang pilik- mata
Sa bawat taas ng kanyang hintuturo
Sa bawat paling ng kanyang leeg
Sa kanan man o sa kaliwa
Sa bawat hawi niya ng kanyang buhok
Nakaabang ka

Nakatitig ka pa rin, di natitinag
Sa wakas
Tumingin na siya sa direksyon mo
Kinabahan ka. 
Subalit napako ang kanyang mga mata 
Sa mga punong nasa likuran mo. 
Nagbago ang kanyang itsura
Nawala ang ngiti
Natigilan, bumuntong- hininga. 
Humarap siya sa lalaking kanina pa niya kausap
Hinawakan ang kamay nito
At lumakad silang palayo
Palayo sa'yo. 

Hindi ka ba niya nakitang nakamasid at nagdurusa?
O, hindi mo ba sila nakitang magkasama at masaya?
Siya ba ang walang- puso at walang konsiderasyon?
O, sadyang mapilit ka lang at nabubuhay sa ilusyon?

Maglakad ka rin, bilisan mo
Patungo sa ibang direksyon
Bumagtas ka ng bagong daan
Tumakbo ka rin palayo.
Isipin mong mahabang- mahaba pa
Ang lalakbayin mong landas
At sa tagal noon
Sa haba pa ng mga panahon
Imposibleng wala kang bagong pag- ibig na makakasalubong.
:D


****Sa Valentine's Day Presentation ng Kapuso Mo, Jessica Soho (Feb 2012) ay ipinalabas ang kwento ni Adrian Benipayo. Hindi ko siya kilala. Hehehe. Pero nakakatuwang gawan ng tula ang "pakikipagsapalaran" niya. :)   


Wednesday, April 25, 2012

Tula para sa Spanish Class Ni Ma'am A. :)



KAUTUSAN


PINAGPALA.
Ang lupaing ito na  puno ng iba’t ibang yaman
Na mula sa pagsikat ng araw sa silangan
Hanggang sa paglubog sa kanluran
Ay kanyang namamasdan.

KAAYA- AYA.
Ang mga karagatang nasa paligid nito
Na may matingkad na asul at kristal na tubig
Na marahang pinakikilos ng hanging amihan
Kaya patuloy ang pagsasayaw ng mga alon
At paghalik sa dalampasigan

MABIYAYA.
Ang mga puno at halaman na ‘yong mamamasdan
Na sa madaling- araw pa lamang ay dinidilig na ng Hamog
Binabantayan ng liwanag ng umaga
At tinatanglawan ng mga bituin at buwan sa gabi.

MATIYAGA.
Ang mga hayop na pagala- gala.
Malayang naglalakbay sa kaparangan at sa mga kagubatan.
Pilit na nakikibaka sa hamon ng kanilang kapaligiran

TAO---
Alam mo bang ikaw ay labis na PINAGPALA?
KAAYA- AYA ang paligid mo
MABIYAYA  ang lahat ng mga yamang likas
Kaya ang dapat mo na lamang gawin ay magsipag at
MAGTIYAGA. 



LEYES


Bendito.
Una tierra llena de diversos recursos
Desde el amanecer hasta el este
Hasta hundirse en el oeste
Es que he aquí.

Placentero.
Las aguas alrededor de él en
Con el agua azul intenso y cristal
Suave brisa que mueve el viento
Así continúa el baile de las olas
Y los besos en la playa

Lleno de gracia.
Los árboles y he aquí las plantas yong
Esa madrugada había regado sólo de Niebla
Supervisado por la luz de la mañana
Y guiados por las estrellas y la luna en la noche.

Los pacientes.
Los animales callejeros.
Independiente por el desierto y los bosques.
Obligados a luchar con los desafíos de su entorno

--- LAS PERSONAS
¿Sabía usted que son muy favorecida!
Agradable a tu alrededor
Gracia de todos los recursos naturales
Por lo que debe hacer es meditar y
Perseverar.

Outing ng Sintang Paaralan








































Bilang Isang Teacher



Ayaw kong mapagalitan, masigawan, mapagsabihan at lalong ayaw kong mapahiya sa harap ng maraming tao. Naniniwala ako sa golden rule kaya ayaw ko rin gawin sa iba. 

Pero bilang teacher, minsan kailangan talagang magalit, sumigaw, manermon at kung hinihingi talaga ng pagkakataon, eh "mamahiya" ng estudyante para lang mailagay sila sa dapat nilang kalagyan. 
Nakakalungkot, pero di ko naman pinagsisisihan. Nakakalungkot lang. :l



Batang Public School


Naniniwala ako sa galing ng batang public school! :D
Yeah! 

Polytechnic University of the Philippines 



Jose P. Laurel Sr. High School 




Pura V. Kalaw Elementary School 


Makinig, Makinig.

Pakinggan mo siya, 'yun ang dapat. 
Pero siguraduhin mo na bago matapos ang pag- uusap n'yo eh narinig at naintindihan din niya ang lahat ng gusto mong sabihin. 

***Dapat patas lang. :)

With Jack. :D

Bonding with 2 of my most trusted friends from college! :) Thanks, Ate Izza and Kuya RR! :) Sa uulitin. Dapat soon ha! — with Romano Borja Redublo and Izza Andaya Sarmiento.
Jerald Javier

HINDI NA KAYA PANG ITAGO NG RETORIKA


Matagal ko itong pinag- isipan
Gaya ng matagal kong paghihintay sa'yo. 
Masugid akong nag- abang sa pagsilip ng bahaghari
Subalit hindi pa yata nalalapit ang pagtila ng ulan. 
Bagaman dinilig nito ang uhaw at tigang na lupa
Kasabay naman ng bawat patak 
Ang pagdaloy ng aking luha.
Kinukubli, tinatago lamang. 

Paulit- ulit kong sinabi sa aking sarili na ikaw ang dapat
Na ito ang tama
Ngunit naging mas marami ang mga panahong
Malungkot ako sa piling mo.
Ni hindi mo napansing naramdaman kong mag- isa ako
Kahit na magkasama tayo.

Matiyaga akong nakinig
Maniwala ka
Pinilit kong kumapit pa
Sa pagmamahal, sa pagtitiwala.
Pero hindi ko na yata kaya.

Noon, naniniwala akong ang pag- big ko sa'yo
ang nagbigay direksyon sa buhay ko
Pero ngayon, hindi na ako sigurado kung ito ba talaga ang tamang daan. 
Dahil palagi akong naliligaw
Ilang beses akong nawala sa aking sarili. 

Mahal, sikapin mong maging higit na mabuting tao
Marahil minsa'y nalilimutan mo lamang na mabait ka. 
Ipinapaalala ko lamang na hindi laging maayos
Ang hilera ng mga bituin sa langit
Mas madalas pa ngang magulo ito
Maraming mga pagkakataon pang susubukin ka ng tadhana
Kayanin mo sanang lahat.
Habaan mo pa ang iyong pasensiya
Maniwala kang pinagpapala ang taong may mababang- loob.

Hindi na kailangan pa ng mga malalalim na salita
Walang magagawa ang mga alusyon, tayutay at idyoma
Hindi na kaya pang itago ng retorika.
Napakasimple.
Magiging maayos ako
Magiging maayos ka.
Hindi na tayo magkakaproblema
Ang kailangan lamang...
Hindi na tayo magsama pa.