Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Monday, January 3, 2011

KAYARIAN NG SALITA

May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:
  1. payak - salitang-ugat
  2. maylapi - salitang-ugat at may panlapi
  3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
  4. tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan

Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito

  1. Taingang-kawali- taong nagbibingi-bingihan
  2. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang tao o organisasyon
  3. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
  4. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
  5. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
  6. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
  7. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
  8. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos
  9. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
  10. Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensyon, takaw-pansin, agaw-eksena
  11. Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
  12. Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
  13. Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
  14. Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
  15. Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
  16. Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
  17. Balat-sibuyas - maramdamin
  18. Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
  19. Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan
  20. Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na bahagi ng tubig
  21. Hanap-buhay - trabahong kailangan ng mga tao.

No comments: