Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Saturday, October 16, 2010

Dahil Wala Namang Obligasyon ang Universe na Protektahan Ka


Hindi ka naman pinilit,
Walang pumewersa sa’yo.
Ni hindi nagkaraoon ng pagkakataong makapagsalita
Ang kabilang panig.
Hindi ka na kinailangang kumbinsihin pa-
Dahil kusa mo namang ibinigay, di ba?


Hindi ka naman bago sa ganitong laro.
Marapat pa nga na mas maalam ka na ngayon.
Kabisado mo na dapat ang mga alituntunin at batas,
Dapat wala nang tanong- tanong .


Hindi ka naman umaangal kapag masaya kayo.
Wala kang reklamo ‘pag siya ang kasama mo.
Masyado kang lutang sa tuwing kausap mo siya,
Kahit wala naman siyang ibang maisagot kundi , “Bahala na.”.


Pero tulad ng iba, ang gulo mo ring kausap.
Hindi mawarian kung ano ba talaga ang hanap.
Isang bakol ang mukha mo, ‘pag di ka pinansin.
Nagngangalit ka, di ka lang sabayan sa pagkain.
Nagngangalaiti ka ‘pag di ka naalala,
‘Pag tuluyang napikon,
Magwawala ka pa


Ikaw ang may gusto, walang namilit sa’yo.
Di ba ikaw ang humiling ng isang himala?
May padasal- dasal ka pa nga sa mga tala.
Kaya wala kang karapatang umatungal,
‘Wag kang manisi ng kung sino- sino.
‘Wag kang magmaktol at mag- alburoto.
Dahil simula’t sapul ‘yan na ang pinangarap mo.


Walang obligasyon ang Universe at ang mga buntalang protektahan ka-
Sa mga hapdi, sakit at pagdurusa.
‘Wag mong ibunton sa eclipse ang mga pangyayari.
Dahil ordinaryo ka lang at di ka katangi- tangi.
Hindi ka espesyal, tulad ka lang din ng iba.
Magpasalamat ka na lang dahil kahit paano,
Naranasan mong
Magmahal, maghintay, mabaliw at magpaloko.

No comments: