Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Sunday, September 16, 2012

Law of Recency sa Love

Sa Psychology, may tinatawag tayong Law of Recency; ayon dito mas naaalala raw ng tao 'yung mga pinakahuling bagay na napakinggan, natutunan at ginawa niya. Parang sa Last Song Syndrome (LSS) na inuulit- ulit mo 'yung huling kantang narinig mo. 

Eh bakit sa love, may mga taong may "present' na at lagi niyang kasama pero paulit- ulit pa ring ginugulo ang isip niya nung mga memories nung "past". Nagiging mahirap tuloy ang pagmu- move- on. Parang nagiging unfair pa kasi kahit hindi sinasadya eh napagkukumpara 'yung dalawa. 


*** :D lang.

Saturday, September 15, 2012

Ayoko ng Larong Pass the Message


Ang tubig na maraming tubong 

dinadaluyan, mas malaki ang tsansang 


lumabo;


Ang hangin na malayo ang pinagmulan, 

mas maraming daraanang harang; 


Ang mensaheng di sinasabi nang direkta 

o tuwiran sa taong dapat patunguhan, 


mas lalong gumugulo. 




***Kausapin ang taong taong dapat 

kausapin. Huwag ng palakihin ang 


"isyu" sa pamamagitan ng paghingi ng 

opinyon ng kung sino- sino. 


***Matalino ang nagtatanong at 

matapat ang taong nagsasabi ng 


katotohanan. 


***'Wag matakot, walang di nakukuha 

sa diplomasya. :D




Wednesday, September 12, 2012

Hindi Lahat :D

Maraming tao ang maalam, magaling 


at matalino---pero iilan lang ang 


may kakayahang magturo. 



Ibang usapan 'yun. 





*** :D lagi.


Sunday, September 9, 2012

Bashful

Ang maganda sa mga 'Kano at siguro 

sa iba pang mga lahi na nag- 

uumapaw ang "self- confidence", 

hindi sila nahihiya na sabihin ang 

kung anomang gusto nila. 

Ang mga Pinoy laging nahihiya. 

Ang ikinahihiya lang dapat 'yung 

mga gawaing 

masama. 

*** :D


Thursday, September 6, 2012

Hindi Dapat Basta Ganun Lang


Humanap ka ng taong ang isasagot sa'yo 

kapag nagsabi ka sa kanya ng "I LOVE 


YOU", eh "I LOVE YOU TOO".


Hindi 'yung ngingitian ka lang at sasabihan 

ka ng "THANK YOU". 


*** :D



Saturday, September 1, 2012

Lyn's Random Thoughts

***Ukol sa "paghahanap" ng magiging BF/GF: 

"You don't have to look for love, just be more visible." 

- Amleth Lyn Bumanglag-Guerrero