Hindi ka ngayon lamang Makakarinig ng aking pagtatapat. Ikaw na ang kalapating Kasama kong nabasbasan Mula sa puting kampana Sa taas ng cake, Ay ikinasal Sa aking mga pangarap. Hindi ka ngayon lamang Nakahawak-kamay sa pamamasyal. Ikaw na hindi nagdamot Ng panahon at bagwis Mula sa Kristyanong pagbibigkis Sa gitna ng pagkawalay, Ay kasalo Sa mga tagumpay na nakakamit. Hindi ka ngayon lamang Naiyakan sa balikat. Ikaw na insprasyon Sa pagplano't pagtupad Mula sa hamon ng syudad Sa pagunlad ng makina, Ay lakas Sa aking mga panghihina. Ikaw na nagpasuso Sa ating mga anak Mula sa dignidad ng tradisyon Sa tangi ng pagbati, Ay nagtiwala Sa aking pagtango. Kumukuha ka na naman ng panyo Para ang 'yong pisngi ay matuyo. Ngayon mo lamang Narinig ang aking pagtatapat- Na sa iyo ay di ako naging tapat. |
ManileƱo. Pilipino. Taxpayer! Mga Tula, Kwento, Kalokohan at Pagmumuni- muni ni Placido Penitente
Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus
Tuesday, March 9, 2010
Pagtatapat isinulat ni Roberto Ofanda Umil
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment