Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Tuesday, August 28, 2012

Rowel's Random Thoughts

***Ukol sa paggawa ng mga kamalian.


"I- charge mo 'yun sa pagiging tao ko."


Rowel Padernal



Leslie's Random Thoughts

***Ukol sa "pagkawala" at "pagtatapos" ng isang pag- ibig.


"...May nakalimutan ka kasi eh---na walang permanente sa mundong ito.' 



"'Wag ka ring masyadong mag- expect."




- Leslie Anne Dizon

Si Gollum, Ang Singsing at Ang Pagkagumon sa Kapangyarihan



Hindi maikakailang ang pelikulang Lord of the Rings (ni Direktor  Peter Jackson ) ay talaga namang tinagkilik ng mga manonood sa buong mundo. Bagaman matagal ng nailathala ng manunulat na si  J. R. R. Tolkien ang aklat na may parehong pamagat, ang adaptasyon ni Jackson ang isa sa naging pinakamatagumpay. Para sa henerasyong ito na nahihirapang tumanggap ng mga kwentong klasiko (lalo na ang mga kabataan), naging hamon para sa direktor, mga aktor, staff at crew ng buong produksyon na kapain ang panlasa ng mga manonood. Subalit sa tulong na rin ng mga makabagong aparato,ng special effects, nabigyang- buhay ang aklat. . 

Isa akong Harry Potter fan. Marahil ay impluwensiya na rin ng aking mga kapatid (na mas mahilig talaga sa Wizard boy na iyon). Subalit nagbago ito nang mapanood ko ang Lord of the Rings. Hindi ko nabasa ang bersyon nito sa libro. Masyado kasing maliliit ang tipo ng letra at makapal---sa madaling salita ay tinamad ang inyong lingkod na magbasa. Magkaganunpaman ay hindi ito naging hadlang upang mapahanga ako sa LOTR. Bawat eksena ng nasabing pelikula ay kaabang- abang, kapana- panabik at makapigil- hininga.   

Ang inyong lingkod ay hindi nagpapanggap na "isang mahusay na kritiko ng pelikula". Isa lamang po akong ordinaryong moviegoer at DVD addict. Nais ko lang  pong magbahagi ng aking mga opinyon, pananaw, interpretasyon (o kahit ano pa mang salita ang nais ninyong itawag), sa isang karakter na para sa akin ay pinakatumatak sa buong pelikula--- si Gollum. Nais ko ring ibigay ang pagkakapareho ng kanyang mga katangian sa ating mga tao.    

Mula sa ninuno at angkan ng mga  Stoor Hobbit (mga unano/maliliit na nilalang) si Gollum.  Ang orihinal niyang pangalan ay Smeagol  subalit napalitan ito sa haba ng panahon ng kanyang pananatili sa kanyang daigdig; kasabay ng pagbabago ng kanyang itsura. Mapanlinlang, mabangis, mapanglansi at mabalasik ang karakter ni Gollum. Wala siyang ibang nais kundi ang mabuhay sa mundong kanyang nakagisnan kasama ang kanyang "Precious" (Pinakatatangi).



Ang "Precious" ni Gollum ay hindi tao, unano o hayop man---isa itong singsing (http://en.wikipedia.org/wiki/One_ring). Pinakamamahal niya ito. Labis niya itong iniingatan. Nagtataglay ito ng kapangyarihang ni sa hinagap ay di maiisip ng isang ordinaryong nilalang na pwedeng taglayin ng isang tao. 
Noong una, ang singsing ay pagmamay- ari ni Sauron. Isang kakila- kilabot na nilikha na ang nais lamang ay maghasik ng lagim. Hindi naman iisa lang ang singsing, marami ito. Subalit sinigurado ni Sauron na ang sa kanya ang nagtataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat. Nalinlang niya ang mga  Elven smiths na mismong gumawa ng mga singsing. Nilipat ni Sauron ang halos lahat ng kanyang kapangyarihan sa singsing. 

Bunga na rin ng di matapos- tapos na digmaan, agawan ng kapangyarihan at pagkamkam ng ari- arian ay nagkaroon ng di masawatang gulo sa buong  Middle-earth (tagpuan ng kwento). Nawala sa pangangalaga ni Sauron ang singsing. Napunta ito kay Isildur. Subalit nalaglag rin ito mula sa kanyang daliri at napunta sa ilog. Nanatili ito roon sa loob ng dalawa at kalahating millennia. Ganoon katagal. 

Pagkaraan ng mahabang panahon, habang namamangka sa ilog ay nakita ito ni  Déagol. Kaibigan at kamag- anak ni Smeagol. Tuwang- tuwa si Deagol dahil noon lamang siya nakakita ng ganoon kagandang singsing. Kaarawan ni Smeagol noong araw ding iyon. Hiniling niyang ibigay na lamang sa kanya ang singsing bilang regalo. Subalit di pumayag si Deagol. Parang sinaniban ng kung anong masamang espirito ay biglang sinunggaban ni Smeagol si Deagol, sinakal niya ito hanggang sa bawian ng buhay. Dagling kinuha ng sakim na nilalang ang singsing at mula noo'y tinawag niya itong "My Precious".

Nagkaroon si Smeagol na tinawag ng Gollum kalaunan, ng mahabang buhay dahil sa singsing. Isa lamang ito sa mga pambihirang kakayahan ng naturang alahas. Nanirahan siya sa loob ng kweba sa loob ng maraming taon. Malayong- malayo na ang kanyang itsura mula noong isa pa lamang siyang ordinaryong hobbit. Mukha na siyang isang halimaw. 

Sa paglaon pa ng kwento ay napunta ang singsing kay Bilbo Baggins dahil sa kapabayaan ni Gollum. Bagaman nagsisisi ay wala nang nagawa ang kawawang "halimaw". Tulad kay Gollum, nagkaroon din si Bilbo ng mahabang buhay. Natuklasan din niya ang isa pang kapangyarihan ng singsing---invisibility (kakayahang hindi makita ng iba). 

Ipinasa naman ni Bilbo ang singsing sa kanyang pamangking si  Frodo Baggins. Dito na nagsimula ang "totoong pakikipagsapalaran" sa palabas. 

Dahil sa naging bahagi na ng pagkatao ni Sauron ang singsing, nagbalik siya upang bawiin ito para makapaghasik muli ng lagim. Ang tanging paraan upang maiwasan ito ay ang dalhin ang singsing sa Dark Tower sa Mount Doom. Kailangang maitapon ito ni Frodo sa kumukulong apoy upang tuluyang mawasak. 

Ano na ang papel ni Gollum sa pelikula? Nasaan na ang karakter niya sa kwento? Nilinlang niya si Frodo at ang kaibigan niyang si Samwise "Sam" Gamgee. Pinaniwala niya ang dalawa na sumama siya sa Mt. Doom para sirain ang singsing. Nagbigay siya ng direksiyon. Nagtiwala naman ang magkaibigan. Subalit, di lang isang beses niyang niloko sina Frodo at Sam. Bago matapos ang kwento ay mahuhulog si Gollum sa kumukulong apoy kasama ng kanyang "Precious" 

Kinailangang muling ikwento ang ilang pangyayari mula sa pelikula upang maayos na mailahad ang punto ng akdang ito. 

Si Gollum ay maaaring ako, ikaw, siya, sila o tayong lahat. Sa madaling salita, ang kanyang mga katangian ay walang pinagkaiba sa isang ordinaryong tao---gahaman, sakim, tuso at sinungaling. Subalit, hindi naman ito palagiang nangyayari. Naniniwala pa rin ang inyong lingkod na ang tao ay likas na mabuti, minsan ay nalilimutan lamang niya ito. 

Ang "pagka- Gollum" ng isang indibidwal ay makikita sa pagkagumon sa kapangyarihan. Maaari nating ituring ang singsing na simbolo ng labis at perpetwal na lakas. Dahil na rin sa pagnanais ng tao na magkaroon ng kontrol sa kanyang paligid at sa kanyang kapwa ay nalalasing siya sa kaunting kapangyarihan na nakamtan niya. Magbubunga ito ng hindi paaawat na kagustuhang panghawakan ang naturang kapangyarihan sa abot ng kanyang makakaya---anoman ang maging kapalit nito. Manira man siya ng reputasyon, ng relasyon o ng isang buong komunidad. Ang tanging mahalaga para sa kanya ay ang mapangalagaan ang kanyang pansariling interes at ang kanyang "kapangyarihan". 

Sa kontekstong Pinoy, kitang- kita ito (bagaman gasgas na) sa mga pulitikong ayaw bumitiw sa kanilang pwesto (lalo na sa mga lalawigan). Matapos man ang kanilang termino, patatakbuhin nila sa eleksiyon ang kanilang kaanak para lamang mapangalagaan ang kanilang posisyon sa nasabing bayan. Makikita rin ang di magandang gawi na ito sa isang opisina o kahit saanmang lugar ng trabaho na may mga tagapamunong kapit tuko sa kanilang pwesto. Ginagawa ang lahat upang "protektahan" ang kanilang trono, kahit na ang makapanakit pa ng kapwa. Wala silang pakialam sa nararamdaman ng kanilang mga nasasakupan, ang tanging mahalaga ay ang kapangyarihan. 

Tunay na tulad ng opyo na nakakaadik at ng alak na kapag sumobra ay nakakalasing, ganoon din ang kapangyarihan. Kung hindi magagamit nang mabuti ay di malayong matulad tayo kay Gollum. Lalamunin tayo ng ating pagkagumon. Subalit, huwag nating kalimutan na di tulad ni Gollum, tayo ay tao. Iba tayo sa kanya. Bukod sa ating mataas na kakayahang mag- isip, mayroon tayong puso. Mayroon tayong wagas na pagpapahalaga sa pamilya, sa kaibigan, sa katrabaho, sa kapwa. Pakaisiping higit sa pagkakaroon ng kontrol sa mga bagay- bagay sa paligid, higit na mahalaga ang respeto. Respetong kusang ibinibigay dahil sa pagmamahal. Walang saysay ang kapangyarihang nakuha sa masamang paraan lalo pa't ito ay resulta ng kasinungalinagn at palagiang panlilinlang. Ikaw rin, gusto mo bang maging kamukha si Gollum? :D  


Sunday, August 26, 2012

TINURUAN MO AKONG MULING SUMULAT NG TULA

Hayaan mo sanang malaman ko
Kung saan mo nais magtungo
Sa pagdating ng takipsilim. 
Pahintulutan mo akong samahan ka
Sa paglakad, sa pagtakbo
Sa paggalugad ng paligid mo.

Kahit umupo tayo at sandaling magpahinga 
Alam kong patuloy akong maliligaw 
Sa paglalakbay sa 'yong uniberso.
Saglit man tayong huminto 
Ay mahihilo pa rin ako sa bawat 
Segundo at minutong 
Minamasdan kita. 

May taglay na mahika at salamangka 
Ang mga titig mo.
May kung anong gayuma 
Ang 'yong mga ngiti.
Ang bawat kumpas ng iyong mga kamay
At hakbang ng mga paa 
Ay tila isang mapang- akit na sayaw;
May ritmo. May indayog. Nasa tiyempo. 

Kuwentuhan mo naman ako
Habang lumalalim ang gabi.
Habang patuloy na binabalot ng dilim 
At kinukumutan ng liwanag ng buwan at mga tala 
Ang buong kalangitan.
Punuin natin ang buong magdamag 
Ng palitan ng mga magagandang alaala.
Kasabay ng paggawa ng mga bagong kanta;
Na tungkol sa'yo, na tungkol sa akin, na tungkol sa atin. 

Batid mo namang
Tinuruan mo akong muling sumulat ng tula
Ang presensiya mo ang tumulong 
Upang gumalaw muli ang mga larawan.
Nagkabuhay muli ang mga tugma.
Nagkakulay muli ang mga salita. 

Patawad kung labis ka ng naguguluhan.
Masyado na yatang mahaba ang aking pasakalye.
Hindi ko sinasadyang lituhin ang iyong isipan.
Gusto ko lang naman sanang tanungin ito sa'yo: 
Mahal, maaari bang ako naman ang samahan mo?
Sa paggising at pagsalubong sa bawat umaga ng buhay ko. 




Monday, August 20, 2012

Markie' s Random Thoughts


"Ang pag- ibig ay nagbibigay sa atin ng daan; hindi nga lang sigurado kung ito ba ay ang tamang direksyon.


"Alam mo ba kung bakit ginawa ang tao na isa- isa lang? Para makayanan ng tao na ingatan niya ang sarili niya nang buong- buo at 'pag okay na siya, optional kung gusto niyang tumulong, pwede niyang gawin 'yun." 


"Ang mga tao di tumitigil para kumita ng pera: isang daan, dalawang daan, tatlong daan. Sana ganito din ang ugali natin sa lahat ng pagsubok ng buhay, lagi tayong maghanap ng daan- daang paraan. "






Rockin' Birthday! (kahit may habagat) :D

August 10, 2012 (Friday)--- Hanggang madaling- araw na gala, gimik, inuman at kantahan. Yeah! Hehehe. 



















At Hihiling...Sa Mga Bituin...


Ang aking munting dasal:


Panginoon, kung kami man po talaga 


ang laan para sa isa't isa, Kayo na po 

ang gumawa ng paraan para magkita 

kaming muli. Kung hindi naman po, 

tulungan N'yo na lang po sana akong 

makalimutan siya. 



*** :) lagi .



Shower! Shower! Baby shower!


Baby shower for Ms. Rochelle Bulalacao-Buganan.  :D







MEETING...? BONDING...! :D


Super pizza with super friends 


from: http://instagr.am/p/OUE0KtMdsx/ 

JC Val II 



Walang paligoy- ligoy

Precise. Concise. Succinct. 

***Simplehan lang kasi, 'wag ng gawing 


komplikado. Masyado ng maraming iniisip 

ang mundo. 'Wag mo ng dagdagan pa 

maraming arte. 

*** :D lang lagi. Hehehe.


Hey!

"Sometimes having your dreams come true 

can feel like a nightmare. Because getting 

what you want always come with strings 


attached." 



Friday, August 10, 2012

Happy Birthday!!! (to the 169th Power)

From Facebook to Blogspot... : D


  1. 1.       Happy Birthday, RR. I super freaking miss you. See you soon. - Olivia Ann Alalayin
    2.       hapi bday rr.../  ninong rr, sana maging hapi po kau... - Karl Benedict Membrere
    3.       Advance Happy Bday classmate RR! God bless you always! - Emelda Nellas Bernardo Torres
    4.       maligayang bati sir! :) - JC Val 
    5.       maligayang bati! pagpalain! =) - Laura Andrea V Casulla
    6.       maligayang kaarawan aking mahal na guro - Nard Cruz
    7.       Happy Birthday! :-) - Victorius Q. Bibera
    8.       maligayang kaarawan =D - Hassey Yma
    9.       happy birthday sir...God bless! - Marydith Ravelista
    10.   happy birthday, friend! tc always, luv u, mwaaahh...God bless! - Xan Mendoza
    11.   Maligayang kaarawan po sa inyo! :) - Hansen Cabrera
    12.   happy birthday! :) - Jasons Suñer
    13.    Happy Birthday, Sir RR! (: God bless! (: - Clare Ibanez
    14.   happy birthday! - Lucille Rivas
    15.   Maligayang kaarawan po sir, - Jenilyn Pagrad Bote
    16.   hbd...tc - Joe-ar Capistrano
    17.   happy birthday ser pagpalain ^_^ - Leogee Vitualla
    18.   Happy Birthday!!! - Juvie Redublo
    19.   happy birthday, kapatid!!!! - Thess Velaro
    20.   Maligayang bati Sir! Nawa'y pagpalain ka ng Diyos ng marami pang kaarawan.. Hehe. :)))) - Chery Perez
    21.   Happy birthday! Endless blessings to come your way! God loves you dude - Jake Tordesillas
    22.   happy birthday kapatid...
    lav yah!!!
    godbless...
    ♥ - Ella Erica Borja Rey
    23.   HBD sir RR !!
    GBu & TCa !! :* -
    Michele Sarmiento
    24.   Happy Birthday! - Agudo Hermie
    25.   happy birthday sir rr. inuman na!! - Jobby Benoza
    26.   Happy b-day sir more blessngs to come... - Lhucky Diamada Antoque
    27.   happy b-day kuya!!!!ingat ka jan palagi!!!! - Lemor Redublo
    28.   Happy bday sir more blessing to come..Enjoy your day ahead! Blessings! you are precious in the eyes of God! - Checkie Orbaneja
    29.   Maligayang Kaarawan! Pagpalain ^_^ - Melissa Sanchez
    30.   hbd..God bless... - Mary Rose Glorioso
    31.   Hoy insan happy birthday tanda month na..:ahaaha pagpalain ka...God Bless!!! - Minoli Mortiz
    32.   happy birthday Romano Borja Redublo!!!! STAY HAPPY!!!! - Gracie Gutano
    33.   happy birthday RR The Romano Redublo - Lauriano Eway
    34.   Maligayang kaarawan kapatid! laging mag-iingat! Godbless! :) - Hazel Deja Cristobal
    35.   Happy Happy Birthday Ar-ar!..Godbless - Janice Nebab
    36.   naku insan maulang birthday sayo!! tc! - Janelle Jerez
    37.   Happy Birthday po Sir Romano ;) - LiAn Li
    38.   Kumusta na? naku miss na kita ng sobra.. Maligayang kaarawan sa yo, kapatid! - Marivic Nofies Quinto
    39.   happy birthday po sir ^^ - Roberto Z. Isuga
    40.   kapatid maligayang kaarawan - Pamie R Crisanto-Zamora
    41.   Kapatid happy bday! Ikaw na happy alam m yan! - Izza Andaya Sarmiento
    42.   Maligayang Kaarawan Ginoong RR!~ - Bread Abellera
    43.   maligayang kaarawan sa iyo - Emmanuel Halabaso
    44.   happy
    birthday! -
    Lizza Azul
    45.   Happy Birthday! - Mark Anthony Lina
    46.   happy birthday!!!... kamusta?? miss you!! - Gracie Gutano
    47.   Happy birthday sir! Godbless po.ü - Grace Angat
    48.   HAPPY BIRTHDAY SIR RR! GOD BLESS YOU :-) - Gilbeys Sardea
    49.   hapi bday po - Rachell Minor Fernandez
    50.   Happy Birthday sir! - Selmer Aguelo
    51.   Happy birthday Rr miss q n kau! - Dimpol Dioquino
    52.   Heypi bday kapatid! Hope to see ya within the day. Owphor Bar & Resto is wide open for yah. Love ya and God bless! Uve been really good. =) - Ronald Madrona Geronimo
    53.   Happy Birthday! :))) - Jonison Mones Fontanos
    54.   happy birthday rr. God bless- John Paolo Fernandez Baribar
    55.   Happy Happy Birthday Sir RR :> more blessing ♥ - Rea Jesyka Martinez Ingua
    56.   HBD Sir GODBLESS.. - Jessa Ajesta
    57.   happy birthday..sana lagi ka masaya malusog ang pangangatawan..stay strong what ever happend to come 2 ur life..T.C ALWAYS godbless cheers! :D :)) ^_^ - Jaimlee Tan Ramirez
    58.   Happy Birthday, Sir RR! :) - Patrizha Ramos Sagala
    59.   Maligayang Kaarawan, Sarah! :) Kumusta na pala ung ibinalita m0 sa akin nung isang araw? Sana OK na. Maraming salamat sa pagiging kaibigan. :) Kailan mauulit ang kape? So, paano? ...Ingat! :) - Jerald Javier
    60.   happy birthday!- Joey Baquiran
    61.   Happy Happy birthday. :) - Dianne Toneth Villamin
    62.   Happy bday rr. .pagpalain ka ngayon at magpakailanman. Miss u. . - Jewel E. Dacumos-Santos
    63.   Happy birthday kuya! have a good one. God bless!!- Jerald Peter Deja
    64.   Happy Birthday! God bless!- Ghia Surban
    65.   HAPPY BIRTHDAY Sir RR!!! nawa'y lalo kang pagpalain.. ;) - Lorinell Dableo
    66.   happy birthday kapatid. . .nawa ay lalo kang pagpalain ng Panginoon. . . - Christina Tecson
    67.   Kapatid!!!!! Happy happy bday...continue to be an inspiration to others and stay as beautiful as you are right now..hehehe..blooming ka kapatid..enjoy ur bday! Mwaaaah - Dolly Obniala
    68.   happy biRthday!! :) - Gel Obrero
    69.   happy birthday - Cris Mark Nakpil Antonio
    70.   Happy Birthday po sir. Godbless! :) - Marnie Evangelista
    71.   Happy B'Day to U...♪♫•*¨*•.¸¸ ¸¸.•*¨*•♫♪ Happy B'Day toU♪♫♫¨*•.¸♪♫♫*•.
    ...
    ♪♫•*¨*•.¸¸¸¸.•*¨*•♫♪Happy B'Day... ♪♫•*¨*•.¸¸¸¸.•*¨*•♫♪HappyB'Day... Happy...♪♫•*¨*•.¸¸ ¸¸.•*¨*•♫♪B'Day...♪♫•*¨*•.¸¸¸¸.•*¨*•♫♪. .. To......U.... ¸¸.•*¨*•♫♪..... (_)♫♪٩(-̮̮̃-̃)۶٩(●̮̮̃•̃)۶٩(-̮̮̃-̃)۶ ٩(●̮̮̃•̃) ♫♪٩(-̮̮̃-̃)۶ ٩(●̮̮̃•̃)۶٩(-̮̮̃-̃)۶٩(●̮̮̃•̃)
    \(^o^)/~
    ♥░HAPPY BIRTHDAY ...... ♫♪♪♫ - Pipo Tronco
    72.   sir! happy birthday po! :D idol na prof - Phillip Samson
    73.   Happy Birthday po - Zacharie Hatsune
    74.   Maligayang Kaarawan sa isang dalubguro ng STI Fairview! - Bcarlo Atim
    75.   Happy Birthday, God Bless po. :) - Juan Gabriel Lazaro
    76.   happy bday! - Rose Ann Santosidad
    77.   happy b-day...god bless - Jen Comahig
    78.   happy bday sir.. - Christian Eleazar M. Buted
    79.   happy bday! God Bless!!! - Mellodine Antonio
    80.   HAPPY BIRTHDAY po sir:) God bless - Liz Waskin Teves
    81.   hapi bday po..... - Rouel Palana
    82.   Happy Birthday Sir! =)) - Ron Engreso
    83.   Happee Birthday po sir Red!! Godbless!! :D - Valladolid Jayson Brylle
    84.   happy bday satin sir...n.n!God bless- Kimberly Cabasan Eugenio
    85.   happy b-day kapatid :)) - Rocelle Mendoza
    86.   Happy Birthday romano.. Keep safe and have a happy day on ur bday! :) - Thesa Bio Aquino
    87.   happy birthday reunion naman tayo - James Baldomero Reyes
    88.   happy birthday sir.... - Rechard Cardenas
    89.   Happy Birthday!!!- Jerica Jane T. Salmi
    90.   Happy Birthday sir ..
    wish u all d best nyaha3..
    tc :)) -
    Lhady Bher Domingo
    91.   happy birthday sir rr- Harren Ta-a
    92.   happy bday!- Crisaldo Pablo
    93.   maligayang kaarawan sir....:D - Miles Away
    94.   maligayang kaarawan... - Arvie Tolentino
    95.   happy birthday sir...- Nathan Duane Sanglap
    96.   Happy Birth day sir!- Leonard Jay Panergo
    97.   Happy birthday po!:) - Jane Liwag
    98.   happy bday po....- Ernilda De Guzman Blanca
    99.   happy bday :) - Macdonard C Pascua
    100.                        HAPPY BIRTHDAY Sir - Jayr Villegas
    101.                        maligayang karawan po! - Gsell Marie Logue Olaco
    102.                        happy bday sir - Rafael Javier
    103.                        happy BEER-DAY! inumna na! inumna na! inuman na! Hehehehe - Aljer Elma
    104.                        happy birthday sir - Kim Inopia
    105.                        Happy birthday sir RR! - Madonna Bajador Tabuzo
    106.                        happy birthday sir!! :D - Marvin Mulato Labrador
    107.                        happy birthday... - XeRxy Leabres
    108.                        HBD :))) - Leanafer Sarmiento
    109.                        happy birthday RR :) - Shei Taiño
    110.                        Happy Birthday. Kaibigan :) Enjoy your day! - Leo Justine Veles Garcia
    111.                        Of course, nobody forgets a great man as RR.. name it ..HE is it!!! booooommmm!!! Hapi Bday RR!!! see kahit HABAGAT stop muna xempre Bday mo to give way... More happiness and LOVELIFE (?) ..you can find ONE i bilib...!!! - Ramoncito Onia
    112.                        Happy Birthday Sir RR :) - Sairah Torres
    113.                        Happy Birthday kapatid! ;) More birthdays to come! God bless! :) - Eilasor Nievera Rivera
    114.                        happy birthday sir - Myk Lucero
    115.                        happy birthday kapatid! - Jing Zorilla-Hinampas
    116.                        Hapi Birthday!, san handa? heheh! - Alvin Astih
    117.                        happy birthday - Jhoana Mercado Leabriz
    118.                        Happy Birthday RR :) - Joan Enriquez Sambilay
    119.                        Happy Birthday RR!! - Ajrod Evab
    120.                        Happy Birthday po sir :) - Cindy Co
    121.                        Sir. Happr Birthday! :)) - Sarah Vibar
    122.                        happy bday sir..^^ - Gil Valenzuela Jr.
    123.                        happy birthday! - Albert Abella
    124.                        happy bday! God bless!!! - Mellodine Antonio
    125.                        Ser!!!!!!!! 3 in 1 plus 1 Happy Kaarawan. :D - Joseph Peralta
    126.                        happy bday ..kailan blow out !! - Myra Castro
    127.                        maligayang kaarawan..........mwaaaah - Maryann Baccay
    128.                        happy bday po sir God bless - Rowena Bandoy
    129.                        Happy Birthday.... - Reigne Reggienald
    130.                        happy vortday ar-ar !!!! - Sweden Magayao
    131.                        BIRTHDAY HAPPY po God bless! - Kricel Cruz Lopez
    132.                        hbd sir - Alfredo Alcantara
    133.                        Happy Birthday! - Grace Anne Valencia
    134.                        ei! hapi bday! god bless :) - Joan Garcia
    135.                        Happy birthday sir R.... Nawa ika'y masaya sa araw na ito sa mga susunod pa... God bless po... :-) - Aliehs Eiram
    136.                        Happy birthday sir RR, more bdays to come.. God bless poh!!! - Shyshy Draper
    137.                        Sir R! HAPPY BIRTHDAY! Maulang kaarawan sa iyo. Pagpalain ka, kapatid! :) - Marlit Estorninos
    138.                        Maligaya at mabiyayang kaarawan sa yo! - Noel Sales Barcelona
    139.                        Maligayang Kaarawan po Sir! :) - Karen Malvar Caguiat
    140.                        happy happy b day po more love and more blessings to come.... - Norbert Martin Nactor Jr.
    141.                        happy birthday kapatid,, mishu! - Yetyet A Lopez
    142.                        maligayang kaarawan ! - JOan Caasi
    143.                        happy birthday ar-ar - Casiano Pasia Jr
    144.                        happy birthday cuz! God bless... - Gel Dimaano-de la Cruz
    145.                        "happy birthday po" - Mederose Del Corro Mente
    146.                         happy birthday sir! - Jen Mercado
    147.                        happy birthday sir! :) - Marivic Terencio Rascano
    148.                        happy birthday sir! mabuhay ka! :) - Alvin Dela Cruz
    149.                        Happy birthday.... - Paul Napeñas
    150.                        Happy Birthday sir RR! WE MISS YOU IN SANLO. - Joey Gutierrez
    151.                        happy b-day - Julie Matias
    152.                        Happy Birthday!!..=) - Gregory Surban
    153.                        Happy Birthday :), God bless u always - Diose Sesaldo Borja
    154.                        hapi bday,kelan b un? - Bebot Borja
    155.                        sir appie bday po ..GOD bless - AngeLin Miguel Avila
    156.                        Happy birthday, RR. Next week na tayo magkita, when the weather's better. Take care, my friend. BIG HUG! - Ricci Barrios
    157.                        happy birtyday! - Joan Kristine Alfonso
    158.                        Sir happy birthday po:) - Jera Callueng
    159.                        happy birthday po Sir :) - Marj Pontod
    160.                        Happy Birthday.... - Paul John Camacho
    161.                        Hey.pii birthday Sir RR! - Toe-knee Acuesta
    162.                        kapatid maligayang kaarawan seo. mahal na mahal ka namin :)
    pagpalain -
    Edwin Rey
    163.                        happy birthday - Cynthia De Leon Samson
    164.                        Maligayang Kaarawan Sir :) - Maureen Miano Vida
    165.                        Happy B-day ^_^ - Yeivnegs Apmarg
    166.                        happy birthday sir!!!god bless po... - Noreen Eway
    167.                        maligayang kaarawan! - Joi Barrios
    168.                        kya pala bumaha sa pinas b day mo loydie hahaha joke more b days to come - Bernard Solano
    169.                        happy Birthday! :) haha - Alvin Baliwagan RN