Pumili ka ng trabahong tutugon sa iyong hilig upang higit kang pakinabangan ng iyong bayan.
- Gregoria de Jesus

Monday, June 20, 2011

One Historical (and wet) Afternoon. :)

Medyo matagal na rin naming plano ni Jen (Gokong) na magpunta sa National Museum. Nabalitaan ko kasi noon pa na libre ang entrance doon tuwing araw ng Linggo. Nahihiya lang ako pumunta doon at magtanong (nakakainis lang, ano?).

Umuulan noong hapon ng May29 pero tumuloy pa rin kami ni Jen sa nakagawian na naming pagsisimba sa kung saan- saang simbahan. Gaya ng napag- usapan, sa Maynila (na naman) kami napunta. Nabanggit ni Jen na dapat na naming sulitin ang gala kasi sa susunod na linggo eh pasukan na. Kaya naisip niyang ituloy na 'yung matagal ng balak na pagpunta sa National Museum- kahit maulan.

Ang plano sana ay mag- i- Intramuros tour (lagi naman kami dun) kasama sina Mhon at Wilma pagkagaling namin ni Jen sa Divisoria. Pero dahil sa maulan nga, naisip namin na pumunta na lang sa National Museum pagkatapos ng aking back- to- school shopping.

Tignan ang mga pics, maganda!